Martes, Oktubre 20, 2026

SHARE THE TRUTH

 97 total reads

Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Efeso 2, 12-22
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Lucas 12, 35-38

Tuesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Efeso 2, 12-22

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, alalahanin ninyo na noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Kristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at di-saklaw ng mga tipang nasasalig sa mga pangako ng Diyos. Noo’y nabubuhay kayong walang pag-asa at walang Diyos. Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus, kayong dating nasa malayo ay nailapit sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Pinagkasundo niya tayo. Kaming mga Judio at kayong mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin. Pinawalang bisa niya ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin sa kanya ang dalawang bayan at maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan niya ang alitan ng dalawang bayan, kapwa pinapanumbalik sa Diyos at pinagbuklod sa iisang katawan. Naparito si Kristo at ipinangaral sa lahat ang Mabuting Balita ng kapayapaan – sa inyong mga Hentil na malayo sa Diyos, at sa mga Judio na malapit sa kanya. Dahil kay Kristo, tayo’y kapwa makalalapit sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu.

Samakatuwid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
Sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 35-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa ating pagtanggap ng biyaya ng pananampalataya, tinatawag tayo upang maging masunurin, magkaroon ng pag-asa, at maging handang salubungin si Kristo sa anumang oras. Ipanalangin natin ang ating mga kapwa nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan mo ang iyong mga tapat na lingkod, Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y tapat na maglingkod sa kalipunan ng mga sumasampalataya nang may kasipagan at dedikasyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong para sa katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating buong pusong paglilingkod sa araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Matuto nawa tayong ibahagi sa bawat isa ang anumang mayroon tayo at sumaksi sa pamumuhay nang may pag-asa, bilang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga dumaranas ng pagsubok sa buhay nawa’y patuloy na maniwala at umasa sa Diyos na nagbibigay ng lahat ng bagay para sa ating kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y magdiwang sa sinag ng bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hindi namin alam ang araw ni ang oras kung kailan magbabalik ang iyong Anak upang kami ay hatulan. Tingnan mo ang aming mga panalangin bilang tanda ng aming pananampalataya sa kanyang pagdating. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 7,600 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 8,568 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 84,750 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,751 total reads

 84,751 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 162,562 total reads

 162,562 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 196,010 total reads

 196,010 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 231,308 total reads

 231,308 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 454,486 total reads

 454,486 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Oktubre 19, 2026

 1,705 total reads

 1,705 total reads Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari

Read More »

Linggo, Oktubre 18, 2026

 3,560 total reads

 3,560 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 5,470 total reads

 5,470 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 6,535 total reads

 6,535 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 7,575 total reads

 7,575 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top