Miyerkules, Oktubre 21, 2026

SHARE THE TRUTH

 73 total reads

Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir

Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8)
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

2 Corinto 6, 4-10
Juan 12, 24-26

Memorial of St. Pedro Calungsod, Martyr (Red)

Mga Piling Pagbasa mula sa Pangkat ng mga Martir

UNANG PAGBASA
Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8)

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Pinasasalamatan kita, Panginoon ko at Hari;
pinupuri kita, aking Diyos at Tagapagligtas.
Pinupuri kita sapagkat ipinagtanggol mo ako at inalalayan,
iniligtas sa kamatayan sa bitag ng dilang makamandag
at sa mga labing lumilikha ng kasinungalingan;
tinulungan mo ako laban sa aking mga kaaway.
Sinaklolohan mo ako alang-alang sa iyong habag at banal na pangalan,
at iniligtas sa mga ngipin ng mga nag-aabang upang ako’y lamunin,
sa mga kamay ng mga naghahangad kumitil ng aking buhay
at sa maraming kagipitang aking kinasuungan.
Iniligtas mo ako sa apoy na nasa aking paligid,
sa gitna ng apoy na hindi naman ako ang nagpaningas.
Hinango mo ako sa kalaliman ng bangin ng kamatayan,
iniligtas mo ako sa dilang marumi at sinungaling,
na nagpaparatang sa akin sa harapan ng hari.
Ang buhay ko’y nabingit sa kamatayan,
ang kaluluwa ko’y nasa labi na ng Sheol.
Naliligid ako ng mga kaaway
at wala isa mang tumulong sa akin;
naghanap ako ng sasaklolo, ngunit ako’y nabigo!
At naalaala ko, Panginoon, ang iyong pagkahabag,
at ang iyong mga gawa mula pa sa pasimula;
tinutulungan mo ang mga matiyagang umaasa sa iyo
at inililigtas mo sila sa mga kuko ng kaaway.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Kung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kami’y salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Maaaring kami noo’y natangay na niyong agos,
naanod sa karagata’t tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos noo’y nalunod nga kaming lubos.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Nang ang bitag ay mawasak lubos tayong nakalaya.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Tayo’y ibong nakatakas
nang ang bitag ay mawasak.

Maaaring laktawan ang kasunod na pagbasa.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 6, 4-10

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ipinakikilala ko sa lahat ng paraan na ako’y lingkod ng Diyos: sa pagtitiis ng kahirapan, kapighatian, at mga kagipitan. Ako’y hinagupit, ibinilanggo at binugbog. Naranasan ko ang magtrabaho nang labis, ang di matulog magdamag, ang di kumain ng ilang araw. Ipinakilala kong ako’y lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay, kaalaman, pagpapahinuhod, kabutihang-loob, ganoon din sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tapat na pag-ibig, tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban at pananggalang. Naranasan kong parangalan at siraang-puri, laitin at papurihan. Ako’y itinuring na sinungaling, gayong katotohanan ang aking sinasabi. Ako’y itinuring na di kilala kahit kilalang-kilala; halos mamamatay na, ngunit malakas na malakas. Kahit ako’y pinarurusahan, hindi ako namamatay; inaring hapis na hapis, gayunma’y laging nagagalak; mukhang mahirap, ngunit nagpapayaman sa marami; waring walang-wala, ngunit akin ang lahat ng bagay.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang nagtitiis
sa mabuti’y inuusig
tagapagmana ng langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 12, 24-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Tandaan ninyo: malibang mahulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, ito’y mamumunga nang marami. Ang taong labis na nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit ang napopoot sa kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon nito hanggang sa buhay na walang hanggan. Dapat sumunod sa akin ang naglilingkod sa akin, at saanman ako naroroon ay naroon din ang aking lingkod. Pararangalan ng Ama ang sinumang naglilingkod sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 ng Oktubre
San Pedro Calungsod

Mga kaibigan, si San Pedro Calungsod, ang batang misyonero at katekistang layko, ay ang ating ikalawang santong Pilipino. Ang kanyang tapang ay isang birtud na tinatawag tayong tularan sa panahon ngayon. Ialay natin sa Diyos ang ating mga kahilingan sa pamamagitan ng pamamagitan ni San Pedro Calungsod.

Panginoon, dinggin Mo kami.

Na ang Simbahan, sa kanyang pagkakawanggawa sa Diyos at sa sangkatauhan, ay patuloy na magbunga ng katuwiran at magpalaya sa mga tao mula sa kasalanan at pang-aapi, upang matagpuan nila ang kagalakan sa buhay na puspos ng papuri sa Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na ang mga katekistang Pilipino, na kumikilala rin kay San Pedro Calungsod bilang kanilang pintakasi, ay maging masigla sa kanilang paglilingkod sa pagtuturo ng pananampalataya sa sambayanan ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na hindi kami kumapit sa mga munting bagay at panandaliang buhay na parang mga butil ng trigo, kundi maging handang mahulog sa lupa at mamatay upang magbunga nang sagana at makamit ang buhay na walang hanggan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na ang mga maysakit, mahihirap, at mga nagdadalamhati ay makatagpo sa mga tagasunod ni Hesus ng mga puspos ng kagalakan sa pagbibigay, at magpabaha ng biyaya sa kanilang buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na si San Pedro Calungsod, sa kanyang paglilingkod, kabaitan, at katapangan, ay maging huwaran ng kabataang Katoliko habang tinutuklas nila ang kanilang bokasyon sa buhay. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na ang mga katekista ay mahamon sa halimbawa ni San Pedro Calungsod sa pagmimisyon at katekesis, at tulad niya, ay maging saksi ng kagalakan ng Ebanghelyo sa kanilang pangangaral at gawa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Na makilala natin ang tunay na kayamanan sa ating buhay -hindi sa pag-aari o mga nagawa, kundi kay Kristo na nananahan sa atin, at sa mga taong inihaharap Niya sa atin araw-araw, lalo na ang mga dukha at nababahala. Manalangin tayo sa Panginoon.

Para sa mga yumao na naglingkod kay Kristo, nawa’y makapiling nila Siya at maparangalan ng Ama sa kalangitan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na Walang Hanggan, pinagpapala Mo ang mga mahabagin. Pagkalooban Mo kami ng pusong maawain, tulad ng sa iyong Anak na si Hesukristo, na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 12,723 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 14,227 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 133,216 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 133,217 total reads

 133,217 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 207,955 total reads

 207,955 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 241,405 total reads

 241,405 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 276,702 total reads

 276,702 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 498,049 total reads

 498,049 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Oktubre 20, 2026

 1,824 total reads

 1,824 total reads Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y

Read More »

Lunes, Oktubre 19, 2026

 3,432 total reads

 3,432 total reads Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari

Read More »

Linggo, Oktubre 18, 2026

 5,248 total reads

 5,248 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 6,599 total reads

 6,599 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 7,639 total reads

 7,639 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top