Pope Leo XIV, hindi na nangangailangan ng karagdagang gamutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,774 total reads

Hindi na mangangailangan ng karagdagang gamutan si Pope Leo XIV matapos makumpirma ang isang uri ng kanser sa baga ay ang tumor na inalis sa kanya sa pamamagitan ng operasyon noong October 13.

Sa pahayag ng mga doktor ng Santo Papa noong Oktubre 21, kinumpirma nina Dr. Luigi Carbone at Professor Stefano Margaritora na ang tumor ay lung adenocarcinoma.

Batay sa resulta ng pagsusuri sa mga tissue na inalis sa operasyon at sa karagdagang pagsusuri ng mga espesyalista sa kanser, nanatili lamang sa isang bahagi ng baga ang sakit.

“The final histopathology and molecular testing reports on the tissue removed during the Holy Father’s surgery were issued today. The results confirmed that the tumor was a lung adenocarcinoma and that the disease was localized. A subsequent oncological assessment has confirmed that no further treatment is necessary,” ayon sa inilabas na pahayag ng Holy See.

Dahil dito, sinabi ng mga doktor na hindi na kailangan ng karagdagang paggamot para sa naturang kondisyon.

Sa isinagawang operasyon, inalis ang ibabang bahagi ng kanang baga ng Santo Papa.

Ang pinakahuling resulta ng pagsusuri ay kasunod ng kanyang paglabas sa Gemelli Hospital sa Roma matapos ang operasyon.

Noong Oktubre 21, nakadalo na rin si Pope Leo sa pangkalahatang pagtitipon sa St. Peter’s Square, kung saan muli siyang nakaharap at bumati sa mga mananampalataya.

Patuloy namang sinusubaybayan ang kalagayan ng Santo Papa matapos ang kanyang operasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 50,751 total reads

 50,751 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 98,623 total reads

 98,623 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 202,570 total reads

 202,570 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 288,684 total reads

 288,684 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 356,338 total reads

 356,338 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top