900 total reads
Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na huwag ipagpaliban ang pagpapatawad, paghingi ng tawad, pakikipagkasundo at pagbabalik-loob sa Diyos dahil hindi tiyak kung hanggang kailan ang pagkakataong gawin ang mga ito.
Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo, sinabi ni Archbishop Uy na tulad ng pagkilala ng mga tao sa mga palatandaan ng pagbabago ng panahon, mahalaga ring suriin nila ang kalagayan ng kanilang puso at ugnayan sa kapwa.
“The problem is that sometimes later becomes too late. In today’s Gospel, Jesus says that we know how to read the weather. We see the clouds and know that rain is coming. But Jesus asks: Can you also read what is happening in your life? We check the weather. We check our phones. We check Facebook. We check our bank accounts. But perhaps we also need to check our hearts,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Uy.
Ayon sa arsobispo, madalas na ipinagpapaliban ng tao ang pagdarasal, paghingi ng tawad at pagbabago ng buhay sa pag-aakalang may oras pa para gawin ang mga ito. Ngunit kung minsan, ang pagkakataong makipag-ayos o makasama ang isang mahal sa buhay ay maaaring mawala nang hindi inaasahan.
“My dear friends, many regrets begin with those words. So if you need to forgive, forgive. If you need to say “I’m sorry,” say it. If you need to tell someone “I love you,” tell them. If you need to return to God, come home now. Do not wait for tomorrow to do the good that God is asking of you today. We are still on the way. And thank God, there is still time,” ayon kay Archbishop Uy.
Binigyang-diin ng arsobispo ng Cebu na habang may pagkakataon pa, dapat nang itama ang mga pagkakamali, ayusin ang mga nasirang relasyon at iwan ang mga gawaing naglalayo sa tao sa Diyos.
Hinimok din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na huwag hintayin ang kinabukasan bago gawin ang kabutihang kaya naman nilang gawin sa kasalukuyan.
Ayon sa arsobispo, habang may panahon pa, may pagkakataon pang magpatawad, magmahal at manumbalik sa Diyos.




