Simbahan, nanawagan ng mas mahigpit na pagbabantay sa pagmimina sa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,447 total reads

Nanawagan si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP, sa mga mamamayan ng Palawan na patuloy na manindigan at bantayan ang mga aktibidad ng pagmimina sa lalawigan.

Sa liham pastoral na inilabas nitong Nobyembre 15, 2026, nagpahayag ng pangamba ang Obispo sa patuloy na epekto ng pagmimina, partikular sa katimugang bahagi ng Palawan, kung saan ibinahagi ni Bishop Mesiona ang kapansin-pansing pagbabago sa mga kabundukan at pagkalbo ng mga kagubatan.

Partikular ring ibinahagi ni Bishop Mesiona na mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang maipasa ang ordinansang panlalawigan na nagtatakda ng moratoryum sa pag-iisyu ng mga pag-endorso para sa mga bagong aplikasyon ng pagmimina sa Palawan.

Bagama’t pinuri ng Obispo ang hakbang bilang mahalagang pagpapakita ng paninindigan para sa pangangalaga ng kalikasan at likas-yaman, iginiit niyang nararapat lamang suriin kung ano na ang naging epekto nito.

“Ang mga kagubatang dapat sana’y pinangangalagaan ay unti-unting nawawalan ng kanilang likas na takip. Kahit wala pang masusing siyentipikong pag-aaral, malinaw nating nakikita na nagbabago ang ating kapaligiran,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mesiona.

Binigyang-diin din ng Obispo ang pangangailangang magkaroon ng malinaw at kumpletong impormasyon tungkol sa mga yamang mineral na kinukuha sa lalawigan, kabilang ang kabuuang nilalaman ng mga deposito at ang posibleng presensya ng iba pang mineral na hindi pa lubusang nasusuri.

“Magkano nga ba ang naiaambag ng pagmimina sa pambansang ekonomiya? Magkano ang naiaambag nito sa ekonomiya ng Palawan? At higit sa lahat, sino ang tunay na nakikinabang dito?” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Kinilala rin ni Bishop Mesiona ang mga lokal na pamahalaan, samahang sibiko, relihiyosong grupo, katutubong pamayanan, at iba pang mamamayang nagpahayag ng pagtutol sa pagbubukas o pagpapatakbo ng mga bagong lugar ng pagmimina sa Palawan.

Gayunman, nagpahayag ang Obispo ng pagkabahala na tila mas napapaboran ng umiiral na mga batas at patakaran ang makapangyarihang mga interes kaysa sa karaniwang mamamayan.

Hinamon din ni Bishop Mesiona ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na patunayan kung tunay na binibigyang-halaga ang kapakanan ng mga lokal na komunidad at ang pangangalaga sa kalikasan.

Hinimok din ng Obispo ang publiko, lalo na ang mga kabataan, na huwag manahimik at patuloy na ipahayag ang kanilang saloobin tungkol sa kinabukasan ng Palawan.

“Kapag sama-samang nagsasalita ang mga tao nang may lakas ng loob at pagtitiyaga, higit na nagiging makapangyarihan ang kanilang tinig at hindi na ito madaling balewalain. Kailangang makinig ang mga may kapangyarihan,” ayon pa kay Bishop Mesiona.

Nilinaw din ni Bishop Mesiona na hindi nangangahulugan ng pagtutol sa kaunlaran ang panawagan ng Simbahan para sa pangangalaga ng kalikasan sa halip ay dapat na nakaugat ang tunay na pag-unlad sa malasakit sa tao at paggalang sa sangnilikha.

Binigyang-diin din ng Obispo na ang kalikasan ay kaloob ng Diyos na ipinagkatiwala sa pangangalaga ng tao, kaya nararapat lamang itong protektahan hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi maging sa mga susunod na salinlahi.

Ang panawagan ni Bishop Mesiona ay umaayon din sa diwa ng pangangalaga sa sangnilikha na itinataguyod ng Simbahan, na kumikilala sa pananagutang moral ng bawat isa na pangalagaan ang kalikasan at tiyaking ang mga likas-yaman ay ginagamit nang makatarungan, responsable, at para sa kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 20,530 total reads

 20,530 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 84,371 total reads

 84,371 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 179,532 total reads

 179,532 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 262,565 total reads

 262,565 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 356,194 total reads

 356,194 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top