Obispo, nagbabala sa paggamit ng teknolohiya bilang instrumento ng kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,051 total reads

Nagbabala si Infanta Bishop Dave Capucao laban sa posibilidad na magamit ang teknolohikal na pag-unlad at mga pandaigdigang alyansa bilang instrumento ng dominasyon ng makapangyarihang mga bansa at korporasyon, sa halip na magsilbi sa sangkatauhan at kabutihang panlahat.

Sa pagninilay ng Obispo na may titulong “From Pax Romana to Pax Silica: When Peace Becomes the Language of Power,” inihambing ni Bishop Capucao ang Pax Romana o kapayapaan sa ilalim ng Imperyong Romano sa umuusbong na Pax Silica, na nakaugnay naman sa artificial intelligence, semiconductors, digital infrastructure, at mga estratehikong alyansa.

Ayon kay Bishop Capucao, kapwa mahalagang suriin ang dalawang konsepto upang matukoy kung sino ang tunay na nakikinabang sa kaayusan at kapayapaang ipinangangako ng mga makapangyarihan.

Inihambing rin ng Obispo na kung noon ay militar at pananakop ang instrumento ng Imperyong Romano, sa kasalukuyan naman ay maaaring gamitin ang kontrol sa teknolohiya, datos, at mahahalagang imprastraktura upang palawakin ang impluwensiya.

“Rome controlled territories. Technological superpowers can exercise influence over the infrastructures upon which entire societies increasingly depend,” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Capucao.

Binigyang-diin din ng Obispo na hindi dapat ituring na kalaban ng kaunlaran ang mga nagtatanong tungkol sa epekto ng mga proyektong teknolohikal at pang-ekonomiya sa kalikasan, karapatan ng mga katutubo, at kabuhayan ng mga mahihirap.

“Not every critic is an enemy of progress. Sometimes, those who question the direction of progress are the very people trying to prevent society from walking toward another form of domination,” Dagdag pa ni Bishop Capucao.

Iniugnay din ni Bishop Capucao ang kanyang pagninilay sa pamana ni yumaong Bishop Julio Xavier Labayen, OCD, at sa kanyang pananaw na Church of the Poor o Simbahan ng mga Maralita na binibigyang diin na ang Simbahan ay hindi lamang tinatawag na tumulong sa mahihirap, kundi makiisa sa kanilang pakikibaka, makinig sa kanilang karanasan, at ipagtanggol ang kanilang karapatan.

“Development that excludes people from decision-making is not integral development. It is another form of domination,” Ayon pa kay Bishop Capucao.

Nilinaw naman ng Obispo na hindi tinututulan ng Simbahan ang teknolohiya o kaunlaran, kundi iginigiit lamang na dapat itong maglingkod sa sangkatauhan at sa kabutihang panlahat, nang hindi isinasakripisyo ang katarungan at dignidad ng mga nasa laylayan.

“A peace that requires the poor to remain silent is not peace. A progress that requires the marginalized to surrender their dignity is not progress,” Ani Bishop Capucao.

Nasasaad sa diwa ng Church of the Poor ni Bishop Labayen ang hamon sa Simbahan na hindi lamang maging tinig ng mahihirap, kundi bigyang-daan din silang makapagsalita, makilahok, at aktibong humubog ng isang lipunang tunay na makatarungan at mapayapa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 20,531 total reads

 20,531 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 84,372 total reads

 84,372 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 179,533 total reads

 179,533 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 262,566 total reads

 262,566 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 356,195 total reads

 356,195 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top