KARAPATAN, kinondena ang pananakit at pag-aresto sa mga nagpoprotesta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Nanawagan ang human rights group na Karapatan na imbestigahan at panagutin ang mga pulis na sangkot sa umano’y marahas na pag-aresto sa mga raliyista, kasabay ng panawagang igalang ang karapatan ng mamamayan sa malayang pagpapahayag at mapayapang pagtitipon.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Karapatan Deputy Secretary-General Atty. Sol Taula na hindi katanggap-tanggap ang naging pagresponde ng mga awtoridad sa mga protestang tumututol sa pagkasira ng kalikasan at planong pagtatayo ng artificial intelligence (AI) hub sa mga lupaing ninuno ng mga katutubo kaugnay ng Pax Silica.

Binigyang-diin ni Taula na karapatan ng bawat Pilipino na ipahayag ang kanilang saloobin tungkol sa mga usaping may malaking epekto hindi lamang sa kasalukuyan kundi maging sa mga susunod na henerasyon.

“Bilang isang demokratikong bansa, dapat iginagalang natin ‘yan. […] Karapatan ng lahat ng mamamayang Pilipino na ipahayag ang saloobin nila kaugnay ng mga malalaking isyung ito na makaaapekto sa atin hindi lang ngayon kundi sa mga susunod pang panahon at henerasyon,” ayon kay Taula.

Ayon sa human rights lawyer, mapayapang nagtitipon ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio ngunit nakaranas umano ang mga ito ng pananakit at marahas na pag-aresto. Kabilang din sa mga dinakip ang ilang campus journalist kahit ipinakita ng mga ito ang kanilang media identification.

Kinuwestiyon ni Taula ang paulit-ulit na paggamit umano ng dahas ng mga pulis laban sa mga nagpoprotesta. Iniugnay niya ito sa mga naunang insidente ng pag-aresto noong Setyembre 21, 2025 at sa State of the Nation Address ngayong taon.

“Parang lagi pong ang knee-jerk reaction ng ating mga kapulisan ay labagin ‘yung karapatan ng mga nagprotesta, saktan sila,” ani Taula.

Ipinahayag din ng abogado ang pagkabahala sa umano’y paghihigpit sa pagbibigay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga nakakulong.

Binigyang-diin niyang karapatan ng mga detenido na makatanggap ng pagkain at iba pang tulong, kabilang ang mga donasyong nagmumula sa mga mamamayang nais silang tulungan.

“Mga donation po ito, galing po sa mga mabubuting puso para sa kanila, pero pati ba naman ‘yun? Basic right ‘yan,” dagdag ni Taula.

Dahil dito, hiniling ng Karapatan ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagpapapanagot sa mga pulis na sangkot sa mga insidente.

Binanggit din ni Taula ang posibleng paglabag sa Article 125 at Article 124 ng Revised Penal Code, gayundin sa Anti-Torture Act.

Samantala, sinabi niyang nagbibigay ng tulong ang mga volunteer lawyer at paralegal ng grupo sa mga inaresto.

Iniugnay rin ni Taula ang mga protesta sa pangamba ng mga Aeta sa planong pagtatayo ng AI hub sa kanilang mga lupaing ninuno. Iginiit niyang kailangang sundin ang prinsipyo ng Free, Prior and Informed Consent o FPIC upang matiyak na malaya at may sapat na kaalaman ang mga katutubo sa anumang proyektong makaaapekto sa kanilang lupain.

Nagbabala rin siya na maaaring hindi na maibalik ang pinsalang maidudulot ng proyekto sa kalikasan kapag nasira na ang kapaligiran.

“Once na masira po ‘yan, hinding-hindi na po natin puwedeng ma-undo ang impacts at epekto ng pagkasira ng kalikasan natin dahil sa Pax Silica,” ani Taula.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na patuloy na ipagtanggol ang kalikasan at pambansang soberanya.

Sa pananaw ng Simbahan, bahagi ng pagsusulong ng katarungan at kabutihang panlahat ang pagtatanggol sa karapatang pantao, dignidad ng mga katutubo at pangangalaga sa kalikasan. Ang tunay na kapayapaan ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng pananakot at pagsupil sa mamamayan, kundi sa paggalang sa kanilang mga karapatan at pakikilahok sa mga desisyong nakaaapekto sa kanilang kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 20,527 total reads

 20,527 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 84,368 total reads

 84,368 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 179,529 total reads

 179,529 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 262,562 total reads

 262,562 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 356,191 total reads

 356,191 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top