Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Kapanalig, napakahalaga ng bigas sa ating bayan. Hindi lamang ito food staple ng Pilipinas. Ito rin ay nagbibigay trabaho sa maraming mga magsasaka sa ating bayan. Ito rin ay negosyo o kabuhayan ng marami nating mga kababayan.

Ang FAO ay nagsasabi na kailangan natin mas ma-a-appreciate ang rice industry. Isa itong sangkap ng food security. Ayon sa isang pag-aaral nito,  malaki ang epekto ng polisiya sa kaunlaran ng industriya ng bigas. Halimbawa, kung mas nais ng isang pamahalaan na mag-import na lamang ng mas murang bigas sa ibang bansa, maaring mapabayaan ang local rice industry. Kapanalig, dito nga sa atin, kapag farmer o magsasaka, kaagad,  naiisip natin na maralita na. Mas lumiliit na kasi ang kita nila dahil sa maraming mga salik o factors, gaya ng climate change, lupa, kawalan ng gamit at teknolohiya, kasama na rin ang heavy importation ng bigas.

Hindi kailangan maging mahirap lagi ang magsasaka, kapanalig. Ang PhilRice Institute ay may proyekto na naglalayon na magkaroon ng rural transformation. Ito ay ang “Gusto Namin Milyonaryo Kayo.”  Ayon nga sa PhilRice, base sa ating poverty incidence, 3 sa 4 na maralitang Filipino ay nakatira sa mga rural, farming areas. Ang karaniwang sakahan ay kumikita ng PhP50,000 kada taon mula sa bigas, at ito ay malayo sa ating poverty threshold. Sa pamamagitan ng “Gusto Namin Milyonaryo Kayo,”  na may community-based agribusiness approach, nais ng PhilRice na tulungan ang mga magsasaka na mabago ang kanilang buhay. Pag nagawa nila ito, maaring kumita ng isang milyong piso ang kada hektarya ng lupa, kada taon.

Kaya lamang, kapanalig, ang mga proyektong gaya nito ay kulang sa suporta. Sana dito ibuhos ng ating pamahalaan ang malaking bulko ng ating mga resources, hindi sa mga kampanya na naglunlunsad ng kamatayan o alitan. Kung matutulungan natin maka-ahon ang ating rural poor, unti unti ring lalaganap ang kapayapaan. Kahirapan, kapanalig, ang ating pangunahing problema.

Ang Rural Transformation Movement (RTM) na ito ay may pruweba na ng tagumpay. Noong 2014, aktibo ang proyektong ito. May mga kababayan na na tayo nakapag-diversify na ng mga pananim at kumita na. Sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, ang mga magsasaka ay nakabili ng tricycle, rotavator, motorsiklo at nakapagbayad na ng mga utang. Ang kanilang pananim ay hindi lamang naging pang-kain, kapanalig. Ginawa na rin nila ito na herbal tea at sabon.

Kailangan nating suportahan ang ganitong mga proyekto kapanalig. Isipin niyo na lang, kung kasing laki ng kampanya laban sa droga ang kampanya para sa rural transformation, mas maraming mga Pilipino ang masaya, buhay at malusog. Kailangan din kapanalig, pinipili natin ang ating mga prayoridad. Hindi lahat ng popular o sikat na opinion o gawain ay tama. Ang gawain ng rural transformation kapanalig, hindi sikat o “in.” Pero ito ay tama, dahil ito ay pagmamahal hindi lamang sa maralita, kundi sa ating bansa. Kapanalig, ito naman ang pasikatin natin o gawing viral. Gawin nating inspirasyon ang mga kataga mula sa Centesimus Annus: Love for others, and especially for the poor, is made concrete by promoting justice.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,581 total reads

 75,581 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,885 total reads

 153,885 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,332 total reads

 187,332 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,629 total reads

 222,629 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,123 total reads

 446,123 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 75,584 total reads

 75,583 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,888 total reads

 153,888 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,334 total reads

 187,334 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,631 total reads

 222,631 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top