Pag-ibig ng Diyos, payabungin sa PCNE 4

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 393 total reads

Hinihikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na dumalo sa isasagawang Philippine Conference on New Evangelization sa Universtiy of Sto. Tomas simula ika-28 hanggang ika-30 ng Hulyo, 2017.

“Ang ebanghelisasyon po ang misyon ng simbahan ay mula pa sa umpisa at malamang ay hindi na magbabago. Kaya lang po nagbabago ang mundo, nagbabago ang kalagayan sa lipunan, kalagayan ng ating pamilya, kabataan at ang ating kalikasan kaya nung panahon ni Pope John Paul II sabi niya kailangan natin ng ‘new evangelization,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle,chairman ng P-C-N-E, mahalaga ang evangelization dahil ito ay pagpapadama ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan na kinakailangang pagyabungin sa patuloy na pagpapahayag.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na laging new ang evangelization dahil nagbabago ang panahon.

“Bagama’t ang ebanghelisasyon ay laging nariyan at kung tutuusin ay laging ‘new’ dahil nagbabago ang panahon. Hamon yan sa atin ngayon. Tatlong bagay ano yung ‘new’, ang ebanghelyo ay iyon pa rin. Kaya lang sabi niya bagong sigla, new fervor; ikalawa bagong expression-paano ipahahayag ang ebanghelyo sa pamamaraan para tutugma sa ating mentalidad at kultura sa kasalukuyan; at ikatlo bagong metodolohiya”.mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang “new” ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa turo ng Diyos sa halip pagbibigay lamang ng bagong sigla, bagong paraan at bagong pagpapahayag ng ebanghelyo na akma sa nagbabagong kultura.

Unang inilunsad ang P-C-N-E noong 2014 na may temang “God Make All Things New; nasundan noong 2015 sa temang Blessed Are You-kasunod na rin ng pagdalaw ng Santo Papa Francisco sa bansa, bilang pakikisa sa mga biktima ng bagyong Yolanda at 2016 bilang pagpapatuloy ng panawagan ng Santo Papa sa Jubilee Year of Mercy, ang Awa, Unawa at Gawa: The Filipino Experience on Mercy.

Noong 2015, sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas umabot sa pitong milyon katao ang dumalo sa misa na isinagawa sa Luneta, Manila.

Sa homiliya ni Pope Francis, binigyan diin ang natatanging pagkakakilanlan ng mga Filipino bilang isang pamilya sa kabila ng mga unos ng buhay.

Taong 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa na nagdulot ng labis na pinsala sa Visayas region.

Bukod kay Cardinal Tagle, kabilang sa dumalo sa PCNE press conference sina Fr. Jason Laguerta, head of the Office for the Promotion of New Evangelization; Dr. Giovanna Fontanilla, mula sa Office of Public Affairs ng University of Santo Tomas; at Ms. Mary Ann Cruz of the Central Committee of PCNE.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,961 total reads

 48,961 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,663 total reads

 128,663 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,110 total reads

 162,110 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,408 total reads

 197,408 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,030 total reads

 422,030 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,104 total reads

 16,104 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top