Ang rebolusyonaryong gobyerno ni Digong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total reads

Mga Kapanalig, nagbanta kamakailan si Pangulong Duterte na magtatatag siya ng isang “revolutionary government” o rebolusyonaryong pamahalaan kapag lumala raw ang aniya’y destabilisasyon sa kanyang administrasyon. Ito ang paraan niya upang pigilan ang mga nais pabagsakin ang pamahalaan lalo na kung hahantong ito sa kaguluhan.

Bukambibig na ng pangulo ang pagdedeklara ng revolutionary government bago pa man siya nanalo. Noong kampanya, sinabi niyang sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon, isasakatuparan niya ang mga pagbabagong nais niya para sa ating bansa. Ngunit kung hadlang daw ang kasalukuyang sistema ng pamahalaan, magdedeklara siya ng isang revolutionary government. Ipapa-padlock daw niya ang Kongreso, ipapasara ang mga hukuman, at hindi magdadalawang-isip na supilin ang demokrasya sa ngalan ng pagbabago.

Nakalilito at nakababahala ang mga salitang ito ng ating pangulo.

Nakakalito, dahil sarili niyang administrasyon ang gobyernong nais niyang palitan ng isang revolutionary government. Biglaan at radikal ang pagbabagong nais makamit sa isang revolutionary government na itinatatag ng isang grupong nagtagumpay na patalsikin ang isang rehimen bilang tugon sa kaguluhan at karahasang bunga ng hindi epektibong pamamahala ng mga namumuno. Mahigit isang taon na ang kasalukuyang administrasyon, at sa pagsasabing may pangangailangan para sa isang revolutionary government, sinasabi kaya ni Pangulong Digong na hindi gumagana ang sistemang pinatatakbo ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang panunungkulan? Mukhang iba ang pakahulugan ni Pangulong Digong sa revoutionary government.

Maaari mang magtatag ng revolutionary government ang kasalukuyang administrasyon o hindi, nakababahala ang ganitong pamamalakad sa ilalim ng isang administrasyong walang pagpapahalaga sa tunay na demokrasya, sa kalayaan ng mga mamamayan, at sa buhay at dignidad ng mga tao. Maikli ang isang taon upang makita ang mga bunga ng positibong pagbabagong dala ng administrasyong ito, ngunit maraming pahiwatig na tayong nakikita na nakabatay sa karahasan at pagpapahina sa ating mga kalayaan ang direksyong nais tahakin ng kasalukuyang rehimen. Kung tototohanin ni Pangulong Duterte ang sinabi niya noong kampanya, baka mauwi tayo sa kalagayang katulad noong isinailalim ang ating bansa sa batas militar kung saan ipinasara ang kongreso at hudikatura. Hindi malayong mamayani ang isang diktadura katulad noong panahon ni dating Pangulong Marcos kung saan kinitil ang mga karapatang pantao, pinatikom ang mga kritiko ng estado, at hinayaang makinabang ang mga crony sa pamamagitan ng pangungurakot sa pamahalaan.

Kinikilala sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan—katulad sa Centesimus Annus—ang potensyal ng isang demokratikong sistema ng pamahalaan upang isulong ang kabutihan ng lahat. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa taumbayan ng pagkakataong makilahok sa mga pampulitikang isyu ng lipunan at mapanagot ang mga iniluklok nilang maglingkod sa bayan. Hindi ito posible sa isang pamahalaang nakalagay lamang sa kamay ng iisang tao o grupo ang pagpapasya para sa lahat, sa isang pamahalaang walang paggalang sa proseso ng batas, sa isang pamahalaang walang pagkilala sa dignidad ng lahat ng tao.

Dagdag pa ni St John Paul II sa Centesimus Annus, “a democracy without values easily turns into open or thinly disguised totalitarianism.” Ang demokrasyang hindi nakabatay sa mga pinahahalagahan natin ay nagbabalatkayong totalitaryanismo.

Kaya’t maaari nating itanong: Ano ba talaga ang pagpapakahulugan ni Pangulong Duterte sa revolutionary government? Ano ang kaugnayan nito sa isinusulong din niyang pederalismo na maaaring magdulot ng malawakang pagbabago? Ano ang katiyakang magdadala ng kaunlaran sa ating bansa at maihahango ang ating mga kababayan sa kahirapan ang isang revolutionary government? O paraan lamang ito upang ang interes ng iilan ang mangibabaw at manaig?

Mga Kapanalig, maging mapanuri tayo sa mga pangako at plano ng ating mga namumuno, lalo na kung maaaring malagay sa alanganin ang ating kalayaan bilang mga mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,207 total reads

 38,207 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,592 total reads

 88,592 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,463 total reads

 136,463 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,411 total reads

 240,411 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,547 total reads

 324,547 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,208 total reads

 38,208 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,593 total reads

 88,593 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,464 total reads

 136,464 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top