Pamilya at komunidad, kalakbay sa pagbabago ng drug dependent

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

Sang-ayon si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ang pamilya at komunidad ay malaking bahagi para sa pagbabago at pagbabalik loob ng isang drug dependent.

Giit ng obispo, ang suporta at pagtanggap ng pamilya ay mahalaga para sa ganap na pagbabago ng isang nalulong sa bisyo na siyang pangunahing sangkap ng mga church based drug rehabilitation.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay na rin sa pag-amin ni Dangerous Drug Board (DDB) Chair Dionisio Santiago na hindi praktikal ang itinayong ‘Mega Treatment and Rehabilitation Center’ sa Nueva Ecija na may 10,000 bed at napakalaki ng pondong kailangan sa operasyon nito.

“The most sensible part was when he pointed out that family care and community involvement are more feasible in the smaller community-based rehab programs that can accommodate anywhere between 150 to 200 participants,” mensahe ni Bishop David sa Radio Veritas.

Sa halip sana ay mas epektibo ang programa kung inilaan ang salapi sa mas maliliit na drug rehabilitation sa bawat komunidad at mas malapit din sa pamilya ng mga pasyente.

Sa Caloocan inihayag ng Obispo, may anim na batch na ang nagtapos sa church initiative na Salubong -16-week program kung saan 150 drug dependents ang nagtapos noong ika-29 ng Oktubre.

Una na ring nanindigan ang simbahang katolika na ang pagpapanibago o rehabilitasyon ng isang lulong sa bisyo ang tugon sa malalang problema ng bansa laban sa ilegal na droga.

Ilan sa mga community based drug rehabilitation ng simbahan ay ang Sanlakbay at Kaunting Pahinga ng Archdiocese of Manila; Salubong ng Diocese ng Caloocan; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ng Diocese ng Novaliches; Pastoral Approach to Rehabilitation and Reformation ng Diocese ng Cubao; Labang ng Archdiocese of Cebu at ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,297 total reads

 63,297 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,193 total reads

 142,193 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,638 total reads

 175,638 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,937 total reads

 210,937 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,909 total reads

 434,909 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top