Tulungang makapagsimula ng buhay ang mga taga-Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total views

Ang pagtulong sa muling pagsisimula ng buhay ng mga residente ng Marawi ang dapat na pangunahing tutukan ng iba’t-ibang mga organisasyong na nais na magkaloob ng suporta sa rehabilitasyon ng siyudad matapos ang bakbakan.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Jo Henry – Information Officer ng Autonomous Region in Muslim Mindanao- Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM- HEART) kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng mga residente ng Marawi City.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Henry ang suporta ng regional government ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagtulong at pag-agapay sa mga residente ng Marawi na unti-unti ng bumabalik sa siyudad matapos na ideklara ang kalayaan mula sa impluwensiya ng ISIS inspired Maute group kasunod ng pagkakapatay sa dalawang lider ng teroristang grupo.

Pagbabahagi ni Henry, tinatayang halos 9,000 pamilya na ang nakabalik sa 9 na barangay sa Marawi City mula noong ika-28 ng Oktubre ng muling pahintulutan ng militar ang mga residente na muling makapasok sa siyudad.

“With due respect dun sa Task Force Bangon Marawi kami naman po sa regional government ay tuloy-tuloy yung pagbibigay po ng tulong, since October 28 kung hindi kami nagkakamali, dahan dahan na pong nagsisibalikan and as of November 6 po ay meron na po tayong 8,000 almost 9,000 families nanakabalik dun sa 9 na barangay kaya yun din po yung tinitingnan ngayon, paano yung pagsisimula ng kanilang buhay…” pahayag ni Henry sa panayam sa Radyo Veritas.

Ika-23 ng Mayo ng mabalot ng takot at tensyon ang malaking bahagi ng Marawi City dahil sa pagpasok ng ISIS inspired Maute Group sa lungsod kung saan agad na nagkaroon ng inisyal na engkwentro ang grupo sa pagitan ng mga militar dahilan upang ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Batas Militar sa buong Mindanao.

Makalipas ang limang buwan, ika-16 ng Oktubre ng inanunsyo ng Pangulo ang paglaya ng Marawi City mula sa mga terorista matapos ang pagkakapatay ng mga militar sa dalawang tumatayong lider ng Maute group na sina Omarkhayam Maute at Abu Sayyaf leader na Isnilon Hapilon na siya ring hudyat para sa pagsisimula ng puspusang rehabilitasyon para sa lungsod.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isinasagawang telethon ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas ay layon ng social action arm ng Archdiocese of Manila na makalikom ng pondo upang ilaan sa rehabilitasyon ng Marawi City at matulungan ang mga residente ng siyudad na muling makabangon mula sa malawak na pagkasira na idinulot ng bakbakan.

Batay sa tala, nasa 300,000 ang bilang ng mga residente ng Marawi City na hindi lamang nawalan ng sariling tahanan kundi maging ng mapagkakakitaan matapos na masira ang mga establishemento at mga istruktura sa syudad dahil sa bakbakan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 14,602 total views

 14,602 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 50,392 total views

 50,392 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 92,284 total views

 92,284 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 145,861 total views

 145,861 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 171,838 total views

 171,838 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top