Walang katumbas na salapi ang tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 730 total reads

Ito ang binigyang-diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nalalapit na paggunita ng simbahang katolika sa World Day of the Poor.

Ayon kay Bishop Mallari, bawat tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at kailanman ay hinding hindi ito matutumbasan ng anumang salapi o materyal na yaman.

“Ang halaga ng tao ay hindi nakabase sa pera. ‘Yung halaga niya ay yung katotohanan na siya ay nilalang na kawangis ng Diyos. Kaya kapag sinabi mo kung gaano kalahaga ang tao, puwede nating masabi na God offered his life, this is how valuable man is,” pahayag ni Bishop Malalari.

Sa pagdidiriwang ng Linggo para sa dukha, inihayag ng Obispo na hindi rin dapat kalimutan ang mga mahihirap na walang-awang pinatay dahil sa paggamit ng iligal na droga sapagkat lahat ng inidibwal ay pantay-pantay sa mata ng Panginoon at hindi dapat pagkaitan ng karapatang mabuhay.

“Yung hamon ni Pope Francis na abutin lahat ng mga nasa laylayan ay nanggagaling doon sa paninidigan na ang lahat ng tao ay mahalaga, na lahat ng tao ay nilalang sa wangis ng Diyos lalong lalo na itong mga biktima, drug addicts at drug pusher because everyone is consider valuable before God,” dagdag ni Bishop Mallari.

Sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 60 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na tanging mahihirap na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot lamang ang pinapatay at hindi yaong mga mayayamang drug pushers.

Bukod sa pagtulong at pagmamalasakit, sinabi ni Bishop Mallari na tunay lamang malalaman ng bawat isa ang problema at tunay na kalagayan ng mga mahihirap kung ilalagay natin ang sarili sa kanilang sitwasyon.

Una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ika-19 araw ng Nobyembre bilang kauna-unahang paggunita ng simbahang katolika ng World Day of the Poor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 182,985 total reads

 182,985 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 253,902 total reads

 253,902 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 287,351 total reads

 287,351 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 322,650 total reads

 322,650 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 541,845 total reads

 541,845 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 302,533 total reads

 302,533 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 412,026 total reads

 412,026 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top