Challenges sa justice system, haharapin ng CBCP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Ang reyalidad sa sistema ng katarungan sa Pilipinas ang isa sa mga hamong haharapin ni incoming CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Chairman Legazpi Bishop Joel Baylon sa kanyang pamumuno sa kumisyon sa susunod na 2 taon.

Pagbabahagi ng Obispo, isa sa mga hamong sa sistema ng katarungan sa Pilipinas na pangunahing tututukan ng kumisyon ay ang pagpigil sa patuloy na pagsusulong sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Iginiit ni Bishop Baylon na ang katarungang dapat namamayani sa justice system ng Pilipinas ay hindi malupit at hindi kumikitil ng buhay sa halip ay mapag-aruga, nagbibigay ng pangalawang pagkakataon at nangangalaga sa buhay.

“Nandiyan po yung challenges that we constantly found ourselves on the system of taking care or addressing the realization of justice. Our ministry have realities in prison management starting on the issues na hinaharap at gusto nating subaybayan at mapagtuunan ng pansin, yung challenge ng pagbabalik ng death penalty, tayo ay naglilingkod sa Simbahan ang alam natin ang hustisya, ang katarungan ay yung nagbibigay buhay, nagbibigay ng pangalawang pagkakataon, nagbibigay ng alaga hindi siya pumapatay…” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radyo Veritas.

Papalitan ni Bishop Baylon si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Emeritus Pedro Arigo na humalili sa yumaong si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Leopoldo Tumulak na pumanaw sa edad na 72-taong gulang noong ika-17 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ang mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ay mayroong dalawang taong termino bilang Chairman ng kumisyon.

Ang CBCP ay binubuo ng 131 Obispo kung saan 5 ang nagsisilbi bilang administrator, 83-ang mga Obispong aktibo habang 43 naman ang retirado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 16,558 total reads

 16,558 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 53,059 total reads

 53,059 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 273,679 total reads

 273,679 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 308,348 total reads

 308,348 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 323,269 total reads

 323,269 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top