125 total views
Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pagdiriwang ng misa bilang bahagi ng ‘Red Wednesday’ campaign para bigyang kamalayan ang mga mananamapalataya hinggil sa pag-uusig sa mga kristiyano.
Ito ay isasagawa sa Manila Cathedral, dakong 5:30 ng hapon sa November 22.
Ayon kay Jonathan Luciano, national director ng Aid to the Churcn in Need (ACN) Philippines, si Marawi Bishop Edwin dela Peña ang magbibigay ng homiliya na dadaluhan din ng mga Obispo mula sa iba’t- ibang bahagi ng bansa.
“Ipanalangin natin ang mga kapatid nating iniuusig, hindi lang sa buong mundo kundi maging dito sa ating bansa. Kaya sana sa November 22 ay sama-sama tayong magdasal at maging mulat sa katotohanan nang pag-uusig ng mga kristiyano sa buong mundo. at makagawa tayo ng konkretong hakbang para matulungang maibsan ang paghihirap at pagpapakasakit ng ating mga kapatid na inuusig, ” pahayag ni Luciano sa panayam ng Radio Veritas.
Ibinahagi din ni Luciano ang iba pang aktibidad pagkatapos ng banal na misa.
“Simultaneously there is going to be a mass at 5:30 in the afternoon. Then, magkakaroon lighting of the façade, tapos there is prayer for the persecuted Christians. This is going to be a prayer event, a prayer campaign.” pahayag ni Luciano
Unang inilunsad ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom at ngayong taon ay makikibahagi ang Pilipinas sa pamamagitan na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung saan higit sa 80 mga dambana at katedral ang makikiisa sa panalangin para sa lahat ng mga inuusig na kristiyano hindi lamang sa Pilipinas.
Ayon kay Pope Francis mahalagang maipaalam sa bawat mananampalataya ang pagpapakasakit ng mga Kristiyano para sa kanilang pananampalataya na nagaganap hanggang sa kasalukuyan.
Ayon sa Center for the Study of Global Christianity, simula taong 2005 hanggang 2015 umaabot na sa higit 900,000 ang mga binyagan na pinaslang o 90,000 kristiyano ang pinapatay kada taon.