Dating pangulong Duterte, itinuturing na flight risk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,482 total reads

Sinang-ayunan ng dating mahistrado ng Supreme Court ang pagtutol ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court sa hiling na interim release o pansamantalang pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crimes against humanity.

Ayon kay former SC Justice Antonio Carpio, bukod sa hindi boluntaryong pagsuko sa korte, hindi rin kinikilala ng dating pangulo ang hurisdiksyon ng hukuman sa isinampang kaso laban sa kaniya. “Very Strict ang grant nang interim release… They must prove former President Duterte is not a flight risk, other words hindi siya tatakas,” ayon sa pahayag ni Carpio sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng dating mahistrado na nanatili pa ring banta ang dating pangulo dahil sa impluwensya nito na una na ring nahalal bilang alkalde ng Davao City sa nakalipas na halalan. “He cannot say that he is not a flight risk, lalo na he has means to charter an airplane – he has friends who has an airplanes, so, tatakas talaga siya more so he don’t ever recognize ICC’s Jurisdiction, sinabi pa niya na ‘I don’t recognize ICC’s Jurisdiction’ nagfile pa siya ng motion not recognizing the jurisdiction of ICC, after now, hindi niya nirerecognize ang jurisdiction ng ICC,” giit ni Carpio.

Kumpiyansa rin si Carpio na hindi pagbibigyan ng korte ang hiling ng kampo ng dating pangulo, na maari ding maglagay sa panganib sa mga testigo laban sa kaniya lalu sa mga biktima sa Davao City noong siya pa ang alkalde, at ang inilunsad na war against illegal drugs. “He is a danger to the witnesses, I think it will be denied,” ayon sa dating mahistrado.

Hindi rin kumbinsido si Carpio na may bigat sa international court ang public opinion at mga rally na sumusuporta sa dating pangulo at nanawagan na maibalik na ito sa Pilipinas.

Sinabi pa ng dating opisyal ng Mataas na Hukuman na ang pagpapasya ng korte ay nakabatay sa mga ebidensya na ilalahad ng prosecutor at depensa. “Wala, you just have to look in the evidences, and I believe ICC will not be swayed, you expect that in a free society ‘everybody will give their public opinion, joint rallies’ but they [ICC] will base on the evidence.”

Kamakailan ay hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na isantabi ng tribunal ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang makalaya habang hinaharap ang kaso kaugnay ng giyera kontra droga sa kanyang administrasyon.

Noong unang bahagi ng Hunyo, inihain ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang kahilingan para sa pansamantalang pagpapalaya, kung saan iminungkahi na dalhin ang dating pangulo sa bansang nagpahayag ng kahandaang tumanggap kay Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 95,234 total reads

 95,234 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 131,159 total reads

 131,159 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 165,291 total reads

 165,291 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 221,697 total reads

 221,697 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top