CMSP, nagpaabot ng pagbati kay Bro. Armin Luistro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,889 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) kay Bro. Armin Luistro, FSC na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV upang maging kasapi ng Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life.

Bilang dating AMRSP Vice Chairperson na ngayon ay CMSP ay kinilala ng institusyon ang pagiging isang ganap na pinunong tagapaglingkod ni Luistro na malaki ang maitutulong para sa misyon ng tanggapan ng Vatican. Ipinapanalangin naman ng CMSP na patuloy na pagpalain at gabayan ng Banal na Espiritu si Luistro para sa pagkakaroon ng patuloy na karunungan at determinasyon na gampanan ang kanyang bagong tungkulin para sa patuloy na paglilingkod sa Simbahan at sa buhay ng mga konsekrado sa buong mundo.

“We extend our heartfelt congratulations to Br. Armin A. Luistro, FSC on his recent appointment by Pope Leo XIV as member of the Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life. As a former AMRSP Vice Chairperson (1998–2001) and Co-Chairperson (2001–2004), Br. Armin has long exemplified servant-leadership. May this new role be blessed with wisdom, grace, and the guiding presence of the Holy Spirit as he continues to serve the Church and consecrated life globally.” Bahagi ng pagbati ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP).

Matatandaang kasabay ng Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista ay nagtalaga si Pope Leo XIV ng mga relihiyoso sa Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life kung saan isa sa naitalaga si Bro. Armin Luistro na kasalukuyang superior general ng Brothers of the Christian Schools o De La Salle Brothers.

Si Luistro ang kauna-unahang Asyanong nahalal bilang superior general ng kongregasyon na pangunahing gawain ay maghubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga eskwelahan tulad ng De La Salle University. Bukod sa pagsisilbi bilang dating kalihim ng Department of Education noong 2010 ay nagsilbi rin si Luistro bilang dating vice chairperson ng CMSP na dating Association of Major Religious Superiors in the Philippines mula 1998 hanggang 2001; at Co-Chairperson ng AMRSP mula 2001 hanggang 2004.

Bukod kay Luistro dati ring nanilbihan sa nasabing tanggapan ng Vatican si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. noong 2012 hanggang 2019 na kasapi naman ng Claretian Missionaries in the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 12,323 total views

 12,323 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 82,435 total views

 82,435 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 157,049 total views

 157,049 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 237,128 total views

 237,128 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 279,926 total views

 279,926 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,531 total views

 1,531 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top