Isabuhay ang simbahang sinodal, hamon ni Cardinal Advincula sa RCAM Curia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,871 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga kawani ng Roman Catholic Archdiocese of Manila o RCAM Curia na patuloy makilakbay sa kristiyanong pamayanan bilang pakikiisa sa misyon.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ginanap na Jubilee of the RCAM Curia nitong June 26 sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Ayon sa cardinal bilang kawani ng simbahan ay mahalagang maglingkod sa kapwa lalo na sa nag-iisa at may pinagdadaanan. Binigyang din ni Cardinal Advincula na bukod sa araw-araw na pagpapagal at pagganap ng mahusay sa mga gawain ay dapat ding nakahanda ang mga kawani sa pagbibigay ng sarili para sa simbahan.

“Hinikayat ang lahat na magbahagi ng sarili sa buhay ng simbahan anuman ang taglay nating kakayahan o katangian, maging daan nawa tayo upang mas lumaganap pa ang pakikibahagi ng lahat sa ating buhay bilang simbahan,” ayon kay Cardinal Advincula. Hamon ng cardinal sa RCAM Curia na isabuhay ang simbahang sinodal na sama-samang naglalakbay sa pamamagitan ng pagsabuhay sa temang ‘communion, participation and mission’.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang mga programa ng curia tulad ng taunang pagpapabinyag ng mga bata ng Baseco Tondo at iba pang outreach program lalo na sa mga komunidad na labis nangangailangan ng pagkalinga.
Iginiit ng arsobispo na hindi eksklusibong grupo ang mga kawani ng simbahan sa halip ay kabahagi sa misyon ni Hesus upang maabot ang bawat nasasakupan at mapakinggan ang kanilang pangangailangan.

“Maging instrumento nawa tayo upang mapakinggan at mauwanaan ang mga karanasan at saloobin ng ating kapwa, sikapin nating maipakilala si Hesus sa kanila at maging daan upang mas mapamahal sila kay Hesus,” giit ni Cardinal Advincula.

Bahagi ng Jubilee of the RCAM Curia ang ‘Walk of Hope’ mula sa Arzobispado patungong Manila Cathedral kung saan nagbigay ng panayam si Msgr. Reginald Malicdem ang kasalukuyang Vicar General at Moderator Curiae ng arkidiyosesis.

Nagkaroon din ng concurrent sessions na nakatuon sa mga paksang ‘Workplace Dynamics, Mental Health, at Financial Literacy’ para sa lahat ng kawani. Bilang pasasalamat at pagkilala ni Cardinal Advincula sa mga kawani na kanyang katuwang sa paglilingkod sa arkidiyosesis ay ang pagdadagdag ng sahod at ilang benepisyo nito makalipas ang isinagawang pag-aaral at restructuring ng RCAM Curia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 27,386 total reads

 27,386 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 64,419 total reads

 64,419 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 82,630 total reads

 82,630 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 166,958 total reads

 166,958 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,078 total reads

 203,078 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,732 total reads

 3,732 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top