Knowledge, skills at attitude, binibigyan-tuon sa mga YSLEP scholar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,481 total views

Binigyan diin ng Caritas Manila na bahagi ng pinapaunlad sa mga scholar ng simbahan ang kanilang Knowledge, skills at attitude.

Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng taunang paglulunsad ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) sa pakikipagtulungan ng Radyo Veritas.

“Kaya po tayo ay namumuhunan – tayo ay nag-i-invest hindi expense para sa pag-aaral. Ito ang pinaka magandang pamana ng ating mga magulang – ng ating simbahan para sa mga susunod [na henerasyon] sinabi ni Jose Rizal na ‘mga pag-asa ng bayan,” ayon kay Fr. Pascual.

Sinabi pa ng pari, naninindigan ang Caritas Manila na ang edukasyon ang ‘best social equalizer’ para kalabanin ang kahirapan.

“Ang kalaban natin ay kahirapan, yan ang ating dapat mapagtagumpayan, kaya’t sa mga nais mag-aral, tayo ay nagbibigay tayo ng oportunidad’ sa aking karanasan sa pagtulong sa kahirapan, hindi naman tamad ang mahirap, ang problema ng mahirap ay wala silang oportunidad.”

Dagdag pa ni Fr. Pascual na sa pamamagitan ng YSLEP ay magkakaroon ang mga kabataan na nais na mag-aral upang ang kanilang mga potensyal, mga kaloob na bigay ng Diyos, at talento ay mapakinabangan ng lahat, gayundin ang kanilang pagtatagumpay sa larangan na kanilang naisin.

Kada taon, umaabot sa limang libo ang mga YSLEP scholar kung saan may isang libong mag-aaral ang nakakapagtapos bawat taon.

Sa nasabing bilang, kinakailangan ng simbahan ng P150 hanggang P200 milyong para pondohan ang kanilang pag-aaral.

Patuloy din ang panawagan ng pari sa publiko na suportahan at makiisa sa taunang telethon ng Caritas Manila at Radyo Veritas, upang patuloy na makatulong sa mga mahihirap ngunit nais na mag-aral na Kabataan, gayundin ang pagpapalawig ng bilang ng mga scholar ng YSLEP.

Ang mga scholar ay hindi lamang mula sa Metro Manila kundi maging mula sa Viasayas at Mindanao at hindi lamang ekslusibo sa mga Katoliko, kundi bukas maging sa mga Muslim.

“Inaabot ng mga 150 to 200 million iyan para matustusan yung 5000. Hindi ganon kadali maglikom ng pondo, kaya nilimit muna natin sa 5000, para matutukan yung quality, hindi lamang yung quantity pero quality ng paghubog sa mga Kabataan,” ayon pa sa pari.

Dagdag pa ni Fr. Pascual na ano mang donasyon kahit gaano ito kaliit ay makakatulong para sa mga estudyante, lalo na ang mga taga-probinsya na nangailangang ng mag-dormitoryo upang may matuluyan malapit sa mga unibersidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 10,637 total views

 10,637 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 52,529 total views

 52,529 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 106,572 total views

 106,572 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 134,314 total views

 134,314 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 151,401 total views

 151,401 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top