Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-uwi sa Pilipinas, ipinaubaya na ni PBBM sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran

SHARE THE TRUTH

 19,602 total views

Ipinapaubaya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran ang pagpapasya kung nais na nilang umuwi ng Pilipinas dulot ng rin ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala pa siyang nakikitang pangangailangan para sa mandatory repatriation o sapilitang pagpapauwi ng mga Pilipino mula sa Israel at Iran.

“We of course are watching our nationals both in Israel and in Iran and as a matter of fact, we have already contacted all our nationals and asked them if they want to be evacuated,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo, nasa desisyon ng mga Pilipino at sa kanilang pamilya sa mga nabanggit na bansa kung nais na nilang umuwi sa Pilipinas at ligtas pa para manatili.

Tiniyak ng Pangulo na binabantayan ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel at Iran, kung saan may ilan na rin ang nagpahiwatig na nais nang umuwi ng Pilipinas dahil sa pangambang maipit sa digmaan.

Sinabi naman ng punong ehekutibo na isa sa mga problema sa ngayon ay ang pagsasara ng ilang paliparan. Dahil dito, naghahanap na sila ng ibang ruta para makauwi ang mga Pilipino.

“But we have been able to do that and the first batch, in fact Secretary Cacdac is already on his way to Jordan para ma-coordinate both the evacuees from Israel and evacuees from Iran,” ayon pa sa punong ehekutibo.

Dagdag ni Marcos, patungo na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa Jordan upang ayusin ang paglikas ng mga kababayan nating nasa Israel at Iran
Epekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ng krudo.

“Well, again, we are starting already with the assumption that the oil prices will in fact go up and I cannot see how it will not. Because the Strait of Hormuz will then be blocked if it escalates. The oil cannot come out of its sources. So the prices will certainly be affected,” ayon pa kay Marcos.

Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo ng Langis, sinabi ng Pangulo na pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang pagbibigay ng fuel subsidy, lalong lalo na sa mga namamasada at higit na apektadong sektor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 307 total views

 307 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,396 total views

 16,396 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,232 total views

 54,232 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 65,183 total views

 65,183 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,434 total views

 11,434 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 2,538 total views

 2,538 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 22,583 total views

 22,583 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top