Kahit magbitiw sa puwesto si VP Duterte, hindi otomatikong matitigil ang impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,193 total reads

Hindi dapat awtomatikong matigil ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sakaling magbitiw ito sa puwesto.

Ito ang pananaw ni House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro kasunod ng mga usapin kaugnay ng posibilidad ng pagbibitiw ng bise presidente habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings sa Senado.

“To answer your question, this is my opinion, not the opinion of the eleven prosecutors,” ayon kay Luistro.

Paliwanag ng mambabatas, “While resignation from office will render moot and academic the penalty of removal, it is my position that we need to continue the trial for the senator-judges to be able to determine whether or not they will impose as well the penalty of perpetual disqualification.”

Ayon kay Luistro, may dalawang pangunahing kaparusahan sa impeachment — ang pagtanggal sa puwesto at perpetual disqualification o habambuhay na pagbabawal na humawak muli ng anumang posisyon sa gobyerno.

Giit niya, kahit mawalan na ng saysay ang parusang removal kapag nagbitiw ang isang opisyal, dapat pa ring ipagpatuloy ang paglilitis upang matukoy kung dapat itong patawan ng disqualification sa paghawak ng public office.

Sang-ayon dito si Akbayan Representative Chel Diokno na nagsabing mahalagang legal na usapin ang posibilidad ng pagpapatuloy ng impeachment trial kahit magbitiw ang akusado.

Samantala, sinabi naman ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima na pagkakataon din ng impeachment proceedings para mabigyan ng due process si Duterte at masagot nito ang mga alegasyon laban sa kanya.

Kasabay nito, inanunsyo rin ng House prosecution panel ang paghahati ng mga prosecutor sa apat na articles of impeachment laban sa bise presidente.

Kabilang sa mga paratang laban kay Duterte ang sinasabing maling paggamit ng mahigit P612 milyong confidential funds, hindi tamang pagdedeklara ng yaman at bank transactions sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN), bribery noong kalihim pa ito ng Department of Education, at grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

Tiniyak naman ng 11-member prosecution panel na handa silang iharap ang mga testigo at ebidensya sa Senado habang nagpapatuloy ang impeachment trial.

Ayon na rin sa panuntunan, kinakailangan ng two-thirds votes o 16 na boto ng senator judges upang ma-convict si VP Duterte sa pagkakasala, kabilang na ang hindi dumalo o absent na senador.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,410 total reads

 86,410 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,293 total reads

 120,293 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,592 total reads

 155,592 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,862 total reads

 381,862 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,705 total reads

 270,705 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,035 total reads

 13,035 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top