Kahit wala si VP Duterte,tuloy ang impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,024 total reads

Magpapatuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi ito personal na humarap sa Senate impeachment court.

Ito ang inihayag ni House impeachment prosecutor at Manila Representative Joel Chua kasunod ng pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court.

Ayon kay Chua, nakasaad sa impeachment rules na pangunahing layunin ng writ of summons na makapagsumite ng sagot ang bise presidente sa Articles of Impeachment sa loob ng itinakdang sampung araw at makapagpasok ng plea sa korte.

Ipinaliwanag ng mambabatas na maaaring personal na humarap si Duterte, ipaubaya sa kanyang mga abogado ang pagharap sa korte, o piliing hindi dumalo bilang bahagi ng legal strategy ng depensa.

Paglilinaw pa ni Chua na kahit hindi humarap ang bise presidente o ang kanyang mga abogado ay magpapatuloy pa rin ang impeachment proceedings at awtomatikong maglalagay ng “not guilty plea” ang impeachment court para sa kanya.

“Now, in the event that the vice president did not appear in the impeachment trial or her lawyer did not appear or no answer was submitted, the trial will proceed anyway, and a plea of not guilty will be entered for the vice president,” paliwanag ni Chua sa isang panayam.

Kasunod nito, isasagawa ang pre-trial kung saan tatalakayin ang mga ebidensya, testigo, at mga usaping ihaharap sa aktuwal na paglilitis.

Naniniwala rin ang House prosecutor na mahalagang maipaliwanag ni Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya na matagal nang inaantabayanan ng publiko.

Kabilang sa mga paratang laban sa pangalawang pangulo ang maling paggamit ng confidential funds, hindi tamang deklarasyon ng yaman, bribery, at pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,220 total reads

 84,220 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,391 total reads

 118,391 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,691 total reads

 153,691 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,960 total reads

 379,960 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,895 total reads

 268,895 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,909 total reads

 12,909 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top