Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Zero extreme poverty Philippines, pinaigting pa ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 418 total views

Patuloy na pinaiigting ng Simbahang Katolika ang pagpapatupad ng mga programa para sa mga mahihirap sa buong bansa.

Ayon kay Finda Lacanlalay – Director ng Assisi Development Foundation Hapag-asa feeding program, mas pinalalawig nila ngayon ang Zero Extreme Poverty Philippines 2030 na inilunsad ng simbahan noong 2015.

Layunin nito na matulungan ang may 1-milyong pinaka mahihirap na pamilya o 5 milyong indibidwal mula sa 350 mga piling munisipalidad sa bansa hanggang sa taong 2030.

“Ang tutugunan po nitong zero extreme poverty ay yung mga taong tinatawag ng ating simbahan na nasa gilid-gilid o talagang laylayan ng ating lipunan.” pahayag ni Lacanlalay sa Radyo Veritas.

Dahil dito, sinabi ni Lacanlalay na ang gaganaping World day of the Poor sa darating na Linggo ika-19 ng Nobyembre ay magandang pagkakataon upang maitaas ang kamalayan ng mga tao sa mga programa ng simbahang katolika para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Lacanlalay na ang World Day of the Poor ay isang magandang oportunidad upang mapukaw ang puso ng iba pang mga Filipino na tulungan ang kanilang kapwa at kababayan na makaahon mula sa kahirapan.

“Ang aming request, talagang tayo pong Filipino, 1 out of 5 ay mahirap meron pong apat na pwedeng tumulong, so ano po yung ating magagawa bilang anak ng Diyos, bilang mamamayang Filipino upang matulungan yung ating kapatid na naghihirap..” Dagdag pa ni Lacanlalay.

Sa datos ng pamahalaan 26 na milyong mga Filipino ang namumuhay ng mahirap at halos 12-milyon naman ang nasasadlak sa labis na kahirapan.

Dahil dito, patuloy ding nagpapaalala ang Kanyang Kabanalan Francisco na ipadama sa ating kapwa na naghihirap ang pagmamahal, awa at habag ng Panginoon hindi lamang sa mga salita kundi sa pamamagitan ng mga kongkretong gawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,808 total views

 42,808 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,289 total views

 80,289 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,284 total views

 112,284 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,023 total views

 157,023 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,969 total views

 179,969 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,221 total views

 7,221 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,820 total views

 17,820 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 215,225 total views

 215,225 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 159,071 total views

 159,071 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top