Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAGMAMAHAL SA BAYAN

SHARE THE TRUTH

 122,104 total views

“Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28)

Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Pag-ibig ang pinaka mensahe ng Diyos – pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Hindi po mapaghihiwalay ang dalawang ito. Hindi natin maaaring mahalin ang Diyos na hindi natin nakikita kung hindi natin minamahal ang kapwa na ating nakikita. Minamahal natin ang ating kapwa bilang tugon sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Kasama po ng pagmamahal natin sa ating kapwa ay ang pagmamahal natin sa bayan.

Sa ating panahon ngayon nakikita natin ang pagmamahal sa bayan sa Ukraine. Ang mga mamamayan doon ay nag-vo-volunteer na lumaban, na itaya ang kanilang sarili upang ipagtanggol ang bansa nila sa pagsasalakay ng mga Russians. Magpasalamat tayo sa Diyos na hindi pa humahantong ang problema ng ating bansa na tayo ay sinasalakay. Ngunit may pagkakataon tayo na isulong ang ating pagmamahal sa bayan ngayong panahon ng halalan.

Sa March 25 magsisimula na ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa halalan sa May 9. Apatnapu’t limang araw na lang at boboto na tayo. Pag-isipan at ipagdasal po natin ang ating boto. Sana po ito ay maging pahayag ng ating pag-ibig sa bayan at pag-ibig sa Diyos. Hayaan po ninyong magbigay ako ng ilang mga paalaala tungkol dito.

1. Ang pagboto nang maayos ay isang mahigpit na tungkulin ng bawat isa sa atin na makaboboto. Ito po ay isang karangalan na maaari tayong makiisa sa pagpili ng mamumuno sa ating lunsod, sa ating lalawigan, at sa ating bansa. Ang karangalan ng pagboto ay isa ring tungkulin. Pag-isipan natin ng mabuti kung sino ang karapat-dapat, kung sino ang pagkakatiwalaan natin ng ating boto. Higit akong nananawagan sa mga kabataan na lumabas at bumoto. Ang inyong boto ay huhubog sa inyong kinabukasan.

2. Ngayon pa lang inaalam na natin ang kalagayan ng ating bansa at kung anong klaseng leaders ang kailangan nito. Kinikilala na rin natin ang pagkatao ng mga iboboto natin. Huwag tayong maniwala sa sabi-sabi ng iba, sa nababasa lang natin sa facebook, at sa mga pangako ng mga kandidato. Tingnan ang kanilang pagkatao at ang kanilang mga nagawa na. Huwag nating itaya ang ating lunsod, ang ating lalawigan at ang ating bansa sa kamay ng hindi karapat-dapat.

3. Iwaksi na natin ang mga political dynasties. Ang pamumuno ay wala sa dugo, o sa isang lahi o sa ilang pamilya lamang. Hindi magkakaroon ng maayos na pamumuno kapag magkadugo ang sabay-sabay o sunod-sunod na namumuno. Hindi nila masusuri ang ginawa ng kanilang kamag-anak. Magtatakipan lang sila at ang uunahin nila ay hindi ang taong bayan kundi ang kanilang pamilya.

4. Ang mga politiko na gumagamit ng pera sa pangangampanya ay bulok o magiging bulok. Saan sila kumuha ng pera na pinamimigay? Maaaring sila ay nagnakaw na o magnanakaw pa upang bawiin ang perang pinamigay. Huwag na huwag iboto ang namimigay ng pera. Tanda na ito ng kanilang kabulukan. Huwag nating ipagbili ang ating bayan.

5. Magbantay tayo na igalang ang ating boto na pinag-isipan at ipinagdasal. Dapat bilangin ang bawat boto. Kaya kailangan natin ng mga volunteers sa PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting) upang tulungan ang mga taong bumoto at bantayan ang boto nila.

6. May karapatan din ang Kristiyanong mamamayan na mangampanya para sa mga taong matuwid upang sa bayan natin ay may mga taong matuwid na manunungkulan. Huwag po nating ikampanya ang mga taong nasa political dynasty na o mga may masasama o kaduda-dudang record na. Huwag nating sabihin na hanap buhay lang ito, kasi tayo ay nababayaran. Huwag tayong maging bahagi sa pagluluklok ng bulok na tao. Huwag mag-contribute sa kabulukan ng ating lipunan.

7. Huwag po tayong magpadala sa mga surveys. Ang tunay na survey ay ang boto ng tao na maayos na binilang. Hindi nasasayang ang boto natin sa mabubuting tao. Kung binoto natin ang isang masamang tao dahil mataas ang kanyang survey rating, sinayang lang natin ang ating boto at nakadagdag pa ito sa kasamaan ng ating gobyerno.

8. Kumakalat ang maraming fake news at kasinungalingan ngayon sa social media. Maging maingat tayo sa ating pinaniniwalaan. Ang ating desisyon ay hindi sana nakabase sa kasinungalingan. Kaya ngayon pa lang sinusuri na natin ang mga kandidato at kung sino ang nasa paligid nila.

Nasa ating kamay ngayon ang kinabukasan ng ating bayan. Magtulungan tayo na hikayatin ang bawat isa na maglagay ng mga taong maglilingkod nang tapat, hindi mga taong may pangalan lang o may pera o may pamilyang kilala. Isipin natin ang ikabubuti ng bansa. Mahalin natin ang ating bayang Pilipinas. Pahalagahan natin ang ating boto. Isa lang ito at ito ay mahalaga! Ang ating boto ay salamin ng ating pamamahal sa bayan at sa Diyos.

Ang sumasainyo kay Kristo,

Bishop Broderick Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
March 21, 2022

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,280 total views

 5,280 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,253 total views

 11,253 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,008 total views

 17,008 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,271 total views

 24,271 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,256 total views

 32,256 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 156,865 total views

 156,865 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 156,817 total views

 156,817 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 105,830 total views

 105,830 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General Community Quarantine (GCQ) but we continue to appeal to the government to consider religious activities as essential services to our people. There is no scientific basis at all to limit

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 124,985 total views

 124,985 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 10,174 total views

 10,174 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON WEDNESDAY APRIL 8, AT 3: 00 PM In response to the request of the Philippine Government led by the Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases(IATF-MEID), we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 32,180 total views

 32,180 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

Pastoral Letter: A Call of Charity for the Common Good

 1,659 total views

 1,659 total views Pastoral Letter: A Call of Charity for the Common Good Unless your faith is firm, you shall not be firm! (Is. 7:9) My dear people of God, The alert level for the COVID 19 has now been raised to Code Red sub-level two (2). We are enjoined to avoid large gatherings of people

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CHRIST, COVID-19 and OUR FAITH

 1,653 total views

 1,653 total views   Pastoral Message for the Archdiocese of Lingayen Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas D.D. March 10, 2020 The epidemic of godless fear of the unknown is spreading and we must return to the basics of our Catholic faith. Let us not leave God out of the threat of COVID 19. Our first combat

Read More »
Pastoral Letter
Veritas NewMedia

REJOICE AND BE GLAD! CBCP PASTORAL EXHORTATION

 1,620 total views

 1,620 total views “Blessed are the peacemakers, they shall be called sons and daughters of God.” (Mt 5:9) Dear brothers and sisters in Christ, do we not all aspire for the grace to be called “sons and daughters of God?” If we do so, then we must constantly strive to be peacemakers in these troubled times

Read More »
Pastoral Letter
Veritas NewMedia

CHRISTMAS MESSAGE 2017

 1,556 total views

 1,556 total views My dear Brothers and Sisters in the Archdiocese of Manila, All over the world, Christmas greetings express a wish that the person or community may experience joy on Christmas: Have a Merry Christmas! A Happy Christmas to you! Maligayang Pasko! Joy to the world, the Lord has come! Joy is at the heart

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

EARTH HOUR

 1,673 total views

 1,673 total views Earth Hour is a very good way to remember that we are all stewards of the environment and that from the message of the Holy Father Pope Francis about Laudato Si, we are all caretakers and we are [here] to care for the Earth. I think the first point that we can reflect

Read More »
Pastoral Letter
Veritas NewMedia

Pahalagahan ang kabataan ng pagibig at katotohanan

 1,601 total views

 1,601 total views Full statement of Fr. Dan Cancino, Executive Secretary of CBCP Episcopal Commission on Healthcare regarding the distribution of condoms in schools. “For the 5 past years, the Philippines has shown a markedly increasing incidence rate (new cases) of HIV/AIDS. The recent 2016 (October) report reveals that there are 26 new cases tested positive

Read More »
Pastoral Letter
Veritas NewMedia

UNLEASHING THE POWER OF LOVE AND MERCY

 1,583 total views

 1,583 total views ARCHDIOCESE OF JARO Protocol No. 2875/2016 TO: THE REVEREND CLERGY AND THE LAY FAITHFUL OF JARO RE: PASTORAL STATEMENT ON MERCY AND JUSTICE UNLEASHING THE POWER OF LOVE AND MERCY A Pastoral Statement of the Archdiocese of Jaro on Mercy and Justice “I hear my people’s cry…” (Ex 3, 7-8) The anguish of

Read More »

LIPA ARCHDIOCESE Pastoral Letter

 1,801 total views

 1,801 total views LIHAM PASTORAL 2016: HUBILEYO NG AWA TAON NG MAKA-EUKARISTIYANG ANGKAN AT ANG HALALAN SA MAYO   Sadyang nakatakda na idaraos sa Pilipinas ang Pambansang Halalan ngayong taong 2016. Samantala, halos limang taon na ang nakalilipas, taong 2011, na ang Kalipunan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas (CBCP) ay nagpasya na ang taong 2016

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top