19,715 total views
Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue.
Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya ng Quezon City.
“The Diocese of Cubao expresses our opposition to the proposed renaming of Del Monte Avenue. The name “Del Monte Avenue” has tremendous historical, religious, and cultural significance associated with it, especially for Quezon City.” bahagi ng opisyal na pahayag ng Diyosesis.
Taong 1590 pinangalanan ng santong si San Pedro Bautista ang kauna unahang lugar sa quezon city na san Francisco del Monte nang magtatag siya dito ng simbahan at retreat house ng mga Franciscano.
Ipinangalan ito kay San Francisco ng Asisi at dinagdagan ng katagang del Monte dahil sa bulubundukin noon ang lugar na ito sa Quezon city.
Inihayag naman ng diyosesis ang pagkilala nito kay FPJ bilang national artist subalit nanindigan ang simbahan na hindi dapat baguhin ang pangalan ng del Monte Avenue.
“While we laud the achievements of the late Fernando Poe, Jr, we cannot agree to cast into oblivion the name of the street around which a community has built its historical, religious, and cultural heritage. Other streets connected to Fernando Poe, Jr. can be considered to be renamed after him. Keep Del Monte Avenue as Del Monte Avenue.” Pahayag pa ng Diyosesis.
Matatandaang una nang tinutulan ng Order of Friars Minor o mga Franciscano ang Senate bill 1822 dahil si San Pedro Bautista mismo ang nagtatag at nagpalaganap ng kongregasyong ito sa Pilipinas.