Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkahirang kay Cardinal-elect Advincula, isang karangalan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 457 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Obispo ng Diocese of Kidapawan sa bagong hirang na Cardinal ng Pilipinas na si Cardinal-elect Capiz Archbishop Jose Advincula.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, National Chairperson ng NASSA / Caritas Philippines, isang magandang balita ang pagkakahirang ng Kanyang Kabanalan Francisco ng bagong Cardinal ng Pilipinas mula sa Archdiocese of Capiz.

Itinuturing ito ni Bishop Bagaforo na isang sorpresa at pagpapamalas ng pambihirang paggabay ng Espiritu Santo sa Simbahang Katolika maging sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya.

“Congratulations kay Cardinal Elect Joe Advincula!! Talaga naman po marami sa atin ang nagulat sa pagkapili ng ating bagong Cardinal mula sa Archdiocese of Capiz. Talaga nga naman na ‘the holy spirit moves sometimes in unexpected ways…’ pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na isang karangalan para sa Pilipinas at sa buong Panay island ang pagkakaroon ng bagong Cardinal mula sa kanilang hanay.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang mga Cardinal ay nagsisilbi rin bilang “Pope’s Advisers” kung kaya’t dahil sa pagkakahirang kay Cardinal-elect Advincula ay higit pang madadagdagan ang kamalayan ng Holy See at ng Santo Papa Francisco sa tunay na kalagayan ng mga Katoliko hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya.

“Malaking karangalan po sa Pilipinas at now in Capiz Archdiocese and the whole of Panay island for this honor of having a Cardinal mula sa kanilang hanay. Cardinals are “Pope’s Advisers” and so lalo pang madagdagan ang knowledge ng Seat of Peter tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino at dito sa Asia.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Si Cardinal-elect Advincula na mahigit 8-taon ng nagsisilbi bilang Arsobispo ng Capiz ay isa sa labing tatlong iba pa na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang mga bagong Cardinal ng Simbahang Katolika.

Naunang ikinatuwala ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagkakahirang ni Pope Francis kay Cardinal-elect Advincula.

Read: https://www.veritas846.ph/pagkahirang-ng-santo-papa-kay-cardinal-advincula-ikinatuwa-ng-isang-opisyal-ng-cbcp/

Bukod sa pagsisilbi bilang taga-payo at katuwang ng Santo Papa sa pamamahala ng Simbahan sa buong mundo, kabilang din sa mga tungkulin ng mga Cardinal ay ang paghahalal ng bagong Santo Papa bilang bahagi ng College of Cardinal.

Sa kabuuan ang Simbahan ay mayroong higit sa 200-miyembro ng College of Cardinals kung saan 129 ang kabilang sa Cardinal Electors o mga Cardinal na wala pa sa edad 80-taong gulang.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,305 total views

 29,305 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,022 total views

 41,022 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,855 total views

 61,855 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,277 total views

 78,277 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,511 total views

 87,511 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 3,864 total views

 3,864 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 4,465 total views

 4,465 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top