Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,454 total views

Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng krisis sa langis. Tapos na ang giyera, hindi pa rin bumababa ang halaga ng mga produktong petrolyo.

Ang salarin sa hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas., Ang Republic Act 8479 o Oil Deregulation law na nagbibigay kapangyarihan sa mga kumpanya ng langis sa bansa magtaas sa presyo ng kanilang petrolyo kapag mayroong paggalaw sa pandaigdigang pamilihan.

Kapanalig, tulad ng mga kumpanya ng langis na walang kalugi-lugi ang negosyo., ganun din pagdating sa bayarin sa kuryente. Ang salarin naman, ang Republic Act 9136 o Electric Power Reform Industry Act of 2001. Layon nang batas na protektahan ang interes ng publiko na apektado sa singil at services ng electric utilities at mga provider ng kuryente.

Dahil sa oil crisis at nararanasang init ng panahon sa Pilipinas, biglang naging triple ang konsumo at bayarin sa kuryente. Pinagsasamantalahan ba ng MERALCO ang kanilang mga consumer sa kuryente?

Nabunyag sa MERALCO billing ang iba’t-ibat uri ng charges na kanilang ipinapataw sa mga electric consumer. Wala din kalugi-lugi ang electric distributor, kapag bumagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar, mayroong charges ang MERALCO sa consumers, kapag mayroon silang system loss., ikakarga din nila ang lugi sa mga consumer. Ang pinakabago, maging ang ilang porsiyento ng ibinibigay na benepisyo sa mga senior citizen ay sinisingil ng MERALCO sa electric consumers. Hindi pa nakuntento, pati ang ayuda sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps’), kinakaltasan din tayong mga consumer ng MERALCO. Matatawag kaya itong maliitang pandarambong? Pandaraya? Ang may kasalanan Kapanalig, ang EPIRA law.

Yung iba nating Kapanalig, natatakot nang buksan ang TV, paganahin ang TV, REF at iba pang de-kuryenteng gamit dahil ma-highblood sa malaking bayarin sa bill ng kuryente. Nakakalungkot, marami sa ating ang naghihikahos na sa buhay, dapang-dapa na sa mahal na bilihin at serbisyo publiko., lalu pang padadapain ng MERALCO?

Ang kalokohang ito ang nag-udyok sa mga hamon sa kongreso na rebyuhin ang electricity pricing policies ng MERALCO.

Isinusulong na rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na naglalayong amyendahan ang EPIRA law gayundin ang mga polisiya ng Energy Regulatory Commission na nagbibigay ng go signal sa MERALCO na isama sa billing ang mga kung ano-anong charges. Kailan pa mangyayari ito? Kailan pa mababawasan o maibsan man lang ang bigat na pinapasan ng mamamayan?

Kapanalig, itinuturo ng Economy of Francesco (EOF) na sa pag-unlad ng ekonomiya, sa paglago ng kita ng mga negosyante hindi dapat naiiwan sa pag-unlad ang mamamayan.

Nakasaad sa 1987 Philippine constitution Section 4: Prime duty of the government- “government exists to serve and protect the people”.

Sinasabi sa COMPENDIUM OF THE SOCIAL DOCTRINE OF THE CHURCH, The State, the necessity of political institutions, the purpose of which is to make available to persons the necessary material, cultural, moral and spiritual goods. The goal of life in society is in fact the historically attainable common good[357].

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 13,455 total views

 13,455 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 15,665 total views

 15,665 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 89,043 total views

 89,043 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 102,557 total views

 102,557 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 131,021 total views

 131,021 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SENATE GRIDLOCK

 15,667 total views

 15,667 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 89,045 total views

 89,045 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 102,559 total views

 102,559 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 131,023 total views

 131,023 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »
Scroll to Top