Pagkukulang sa pagtugon at komunikasyon sa pagkasawi ng 2-student athletes, inamin ng Jesuits

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,678 total views

Kinilala ng Society of Jesus ang posibilidad na may pagkukulang sa naging pagtugon at komunikasyon kaugnay ng pagkasawi ng dalawang student-athletes na sina Divine Adili at Rene Baterbonia.

Sa pahayag ni Jesuit Provincial Superior, Fr. Xavier Olin, SJ, aminado itong mas marami pa sanang mga hakbang sa pagharap ng institusyon sa trahedya.

“We humbly acknowledge more could have been done in the way the tragedy has been dealt with and communicated,” ayon kay Fr. Olin.

Inihayag ng pari ang pakikiisa at pakikidalamhati ng mga Heswita sa pamilya ay kaanak nina Baterbonia at Adili na personal na nakilala ng kongregasyon.

“We knew them and we grieve their untimely deaths. We also knew their families and friends, especially Rene’s. We can only imagine the heartache they are going through these days,” ani Fr. Olin.

Tiniyak din ng Society of Jesus ang patuloy na suporta sa mga naulilang pamilya.

“We pray for them and vow everything we can do to support them in this time of grief,” dagdag nito.
Ayon kay Fr. Olin, mahalagang pakinggan ang mga panawagan ng kanilang komunidad, lalo na ng mga alumni, na nagpapaalala sa mga pagpapahalagang Ignatian tulad ng malasakit sa kapwa, katotohanan, pananagutan, katarungang panlipunan, at pakikiisa.

“We are grateful for these reminders and for the call to greater fidelity whenever we fall short,” pahayag ng Jesuit Provincial Superior.

Ibinahagi rin ni Fr. Olin na nakipagpulong na ito sa pamunuan ng Ateneo de Manila University upang suriin kung paano higit na maisasabuhay ng pamantasan ang mga pagpapahalagang itinuturo nito sa gitna ng naturang trahedya.

“I as Jesuit Provincial have conferred with Ateneo de Manila leadership to see how in this devastating experience we may better live out the Ignatian values we teach others,” aniya.
Tiniyak ni Fr. Olin sa publiko na gagawin ng mga Heswita ang lahat ng kanilang makakaya upang maitaguyod ang tama, makatarungan, at mapagmahal na pagtugon para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

“We will exert everything in our power to do what is right, what is just, and what is loving for our beloved students Rene, Divine, and their families,” saad ni Fr. Olin.

Patuloy na hiniling ng mga Heswita ang panalangin para sa katatagan, kahinahunan, at paghilom kasabay ng mga isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidenteng ikinasawi ng dalawang student-athletes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,294 total views

 10,294 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,645 total views

 38,645 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,375 total views

 106,375 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,526 total views

 129,526 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,977 total views

 198,977 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top