Sama-samang tulong pinansiyal para sa naapektuhan ng lindol, panawagan ni Bishop Cañete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 985 total views

Nanawagan si Gumaca Bishop Euginius Cañete, MJ, ng sama-samang panalangin at tulong pinansyal para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa kanyang Liham Sirkular, ipinabatid ng obispo ang pakikiisa ng Simbahan sa mga biktima ng kalamidad kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Ipinahahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang taos-pusong pakikiramay at pakikiisa sa ating mga kapatid na naapektuhan ng lindol na tumama sa Lalawigan ng Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao noong ika-8 ng Hunyo 2026,” bahagi ng liham sirkular ni Bishop Canete.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga nasalanta, inatasan ng obispo ang lahat ng parokya ng diyosesis na isama sa Panalangin ng Bayan sa mga Misa para sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon ang natatanging panalangin para sa mga biktima ng lindol.

Kabilang sa panalangin ang kahilingang “aliwin ng Panginoon ang mga nagdadalamhati, pagalingin ang mga nasugatan, patatagin ang mga nakikibahagi sa pagsagip at pagtulong, at pabilisin ang pagbangon ng mga nasalantang pamayanan.”

Ipinag-utos din ni Bishop Cañete ang pagsasagawa ng “Second Collection” o espesyal na koleksyon sa mga Misa upang makalikom ng pondo na ipapadala sa mga apektadong lugar na nasasakop ng Diocese of Marbel para sa rehabilitasyon.

“Maglalaan ng ‘Second Collection’ (o special collection) upang maipagkaloob sa mga gawaing rehabilitasyon para sa mga nasalanta ng nasabing lindol,” ayon sa obispo.

Paliwanag ni Bishop Cañete na ang lahat ng malilikom na donasyon ay agad na ibibigay sa Social Action Center ng diyosesis upang matiyak ang maayos at wastong pamamahagi ng tulong sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Hinimok naman ng obispo ang mga mananampalataya na tumugon sa panawagan ng pagkakawanggawa at pakikiisa sa mga nangangailangan.

“Nawa’y maging bukás ang ating puso sa panawagang ito ng pagdamay, at sa ating pagtutulungan ay maipadama natin ang habag at pag-ibig ng Diyos sa mga higit na nangangailangan,” pahayag ni Bishop Cañete.

Tiniyak ng obispo ang patuloy na panalangin para sa katatagan, paghilom, at pagbangon ng mga mamamayang apektado ng malakas na lindol, at ipinagkatiwala sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria ang bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 57,457 total views

 57,457 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 71,034 total views

 71,034 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 99,598 total views

 99,598 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 147,905 total views

 147,905 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 139,355 total views

 139,355 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top