Papal Nuncio, pangungunahan ang Red Wednesday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pagdiriwang ng misa bilang bahagi ng ‘Red Wednesday’ campaign para bigyang kamalayan ang mga mananamapalataya hinggil sa pag-uusig sa mga kristiyano.

Ito ay isasagawa sa Manila Cathedral, dakong 5:30 ng hapon sa November 22.

Ayon kay Jonathan Luciano, national director ng Aid to the Churcn in Need (ACN) Philippines, si Marawi Bishop Edwin dela Peña ang magbibigay ng homiliya na dadaluhan din ng mga Obispo mula sa iba’t- ibang bahagi ng bansa.

“Ipanalangin natin ang mga kapatid nating iniuusig, hindi lang sa buong mundo kundi maging dito sa ating bansa. Kaya sana sa November 22 ay sama-sama tayong magdasal at maging mulat sa katotohanan nang pag-uusig ng mga kristiyano sa buong mundo. at makagawa tayo ng konkretong hakbang para matulungang maibsan ang paghihirap at pagpapakasakit ng ating mga kapatid na inuusig, ” pahayag ni Luciano sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi din ni Luciano ang iba pang aktibidad pagkatapos ng banal na misa.

“Simultaneously there is going to be a mass at 5:30 in the afternoon. Then, magkakaroon lighting of the façade, tapos there is prayer for the persecuted Christians. This is going to be a prayer event, a prayer campaign.” pahayag ni Luciano

Unang inilunsad ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom at ngayong taon ay makikibahagi ang Pilipinas sa pamamagitan na rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung saan higit sa 80 mga dambana at katedral ang makikiisa sa panalangin para sa lahat ng mga inuusig na kristiyano hindi lamang sa Pilipinas.

Ayon kay Pope Francis mahalagang maipaalam sa bawat mananampalataya ang pagpapakasakit ng mga Kristiyano para sa kanilang pananampalataya na nagaganap hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa Center for the Study of Global Christianity, simula taong 2005 hanggang 2015 umaabot na sa higit 900,000 ang mga binyagan na pinaslang o 90,000 kristiyano ang pinapatay kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 23,852 total reads

 23,852 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 110,491 total reads

 110,491 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 157,230 total reads

 157,230 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 205,102 total reads

 205,102 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 307,889 total reads

 307,889 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top