Quiapo Church, nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing deboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Nagpahayag ng kanilang pakikiramay ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagkamatay ng isang deboto matapos ang pakikibahagi sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno 2018 na tumagal ng 22 oras.

Ayon kay Fr. Douglas Badong- Parochial Vicar ng Quiapo Church, nabigyan naman ng paunang lunas ng medical volunteer ang biktima at agad na naisugod sa pagamutan.

“Sinikap po ng ating medical volunteer na sya ay mabigyan ng tulong at isinugod sa hospital. Ang sabi po kasi siya ay may karamdaman, at naghihintay sa pagdaan ng Nazareno nang makaranas ng paninikip ng dibdib,” ayon kay Fr.Badong.

Si Ramil Dela Cruz, isang deboto ng Nazareno ay dating jail officer na nasawi nang isugod sa Jose Reyes Memorial Center makaraan makaranas ng pagkahilo.

Sinabi pa ni Fr. Badong na hindi naman nagkulang ang pamunuan ng Quiapo Church maging ang lokal na pamahalaan ng Maunila na paalalahanan ang mga deboto lalu na yaong may mga karamdaman at matatanda na huwag nang sumama sa prusisyon upang maiwasan ang mga ganitong insidente.

“Lagi naman po kami nagpapaalala kung kayo ay may karamdaman, matatanda huwag na po sumiksik lalu na po sa dami ng tao kasi nga dahil delikado,” ayon kay Fr. Badong.

Tiniyak naman ng pari na magpapaabot ng tulong pinansyal ang simbahan sa nasawing deboto at personal na magtutungo sa burol para makiramay.

“Kami po ay nakikiramay at handa rin namang tumulong. Dadalawin din po siya ni Msgr. Coronel kung saan siya nakaburol,” ayon pa kay Fr. Badong.

Sa tala ng Quiapo Command Center higit sa 1,000 katao ang naitala sa medical reports kung saan kalimitan ay dahil sa hirap sa paghinga, hypertensions at mga sugat sa paa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,522 total reads

 49,522 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,206 total reads

 129,206 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,653 total reads

 162,653 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,951 total reads

 197,951 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,533 total reads

 422,533 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,157 total reads

 16,157 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top