Diocese of Tarlac, all set na sa Walk for Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total views

Nakahanda na ang Diocese of Tarlac para sa pakikiisa sa simultaneous Nationwide Walk for Life bukas ika-24 ng Pebrero, 2018.

Ayon kay Fr. Jason Aguilar, Chairman ng Commission on the Laity ng Diocese of Tarlac, tulad ng magaganap sa Quirino Grandstand ay alas-kwarto ng madaling araw rin magsisimula ang pagkilos ng Diocese of Tarlac.

Pagbabahagi ng Pari, magsisimula ang programa sa Tarlac City Plazuela kung saan magtitipon-tipon ang lahat ng mga parokya mula sa bawat vicariate ng diyosesis kasama ang iba’t ibang mga religious organizations bago maglakad paikot sa mga pangunahing bayan sa Tarlac.

Sa pagtataya ayon kay Fr. Aguilar, ganap na alas-syete nang umaga makararating ang mga delegado sa Tarlac Cathedral – San Sebastian Cathedral kung saan pangungunahan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg ang banal na misa.

“Yung Walk for Life activity po namin dito sa Diocese of Tarlac will be on February 24 – 4 o’clock am ang assembly po ay sa Tarlac City Plazuela doon po magsisimula ang lahat ng mga delegates and participants of the said activity at doon po sa mismong Plazuela nakaayos na po per Vicariate ng Diocese at mga religious organizations, dito po siya magsisimula and then maglalakad po within the major cities of Tarlac at 7o’clock am approximately makakarating po tayo sa Tarlac Cathedral – San Sebastian Cathedral at doon po magsi-celebrate ng ating banal na misa to be celebrated by our Bishop Enrique Macaraeg…” pahayag ni Fr. Aguilar sa panayam sa Radyo Veritas.

Samantala, kumpiyansa rin ang Pari na mas marami ang makikibahagi sa pangalawang pagkakataong pakikiisa ng diyosesis sa Walk For Life lalut higit isang buwang pinaghandaan ng diyosesis ang pamamahagi ng impormasyon at ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng miyembro ng Tarlac Diocesan Council of the Laity na kinabibilangan ng Parish Pastoral Council Presidents and Vice Presidents at lahat ng mga diocesan heads ng mga diocesan organizations.

Batay sa tala, mayroong 7 vicariate ang Diocese of Tarlac na binubuo ng 59 na mga parokya kung saan nasa higit 887-libo ang mga mananampalatayang Katoliko.

Bukod sa Diocese of Tarlac nakibahagi rin sa pagpalawig sa panawagan ng paninindigan para sa buhay ang Diocese of San Pablo, Archdiocese of Cebu at Archdiocese of Cagayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 165,931 total views

 165,931 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 143,564 total views

 143,564 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 207,692 total views

 207,692 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 227,798 total views

 227,798 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 148,228 total views

 148,228 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top