Kapayapaan ay bunga ng katarungan, katotohanan at pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,051 total reads

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Ina ng Kapayapaan o Edsa Shrine at bisperas ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Inihayag ng kanyang Kabunyian na ang kapayapaan ay hindi lamang sa katahimikan at kawalan ng kagulungan.

Kundi ang tunay na kapayapaan ay bunga ng itinanim na katarungan, katotohanan, pag-ibig at paggagalangan.

“Ang kapayapaan po sa bibliya at turo ng simbahan ay hindi lamang kawalan ng karahasan o kawalan ng giyera o kawalan ng conflict. Mas malalim-lalim pa ang kapayapaan kaysa doon.
Sa turo ng simbahan peace is not only the absence of violence,”
ayon kay Cardinal Tagle.

“Kalimitan ang kawalan ng kapayapaan ay tahimik. Dahil sa ang kapayapaan ay bunga lamang ng mga itinatanim natin,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ito ayon kay Cardinal ay base na rin sa sinabi ni Pope Saint John XXIII na sumulat ng Pacem in Terris- kapayapaan sa lupa, ang kapayapaan ay bunga lamang ng katarungan, katotohanan, pag-ibig at paggagalang.

At kapag ito ay itinaninm at lumago tayo ay may aanihing kapayapaan, subalit kung wala ang mga ito bilang pundasyon ay hindi makakamit ang tunay na kapayapaan.

Hinimok ng Kardinal ang mamamayan na hingin ang tulong ng Mahal na Ina ng Kapayapaan upang magtanim at magtayo ng pundasyon ng katarungan, katotohanan at pag-ibig upang makamit ang tunay na kapayapaan.

Ang dambana ang itinayo noong 1989 bilang paggunita sa dalawang makasayasayang People Power Revolution na nagpatalsik sa diktadurya ng noo’y si Pangulong Ferdinand Marcos taong 1986 at ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001.(Marian Navales-Pulgo)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,164 total reads

 218,164 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,837 total reads

 252,837 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,737 total reads

 268,737 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,227 total reads

 305,227 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,872 total reads

 310,872 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top