Pagiging bukas ng Simbahan sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari kaugnay ng pagdiriwang ng Palm Sunday kasabay nang pagsasagawa ng Alay Kapwa Sunday o ang pagkakaroon ng second collection para sa mga social services lalu na sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Bishop Mallari, ginagamit din ang pondo para sa iba’t-ibang programa ng simbahan kabilang na ang pagtulong sa mga kababaihan, kabataan, mga manggagawa tulad ng magsasaka at mangingisda na layuning i-angat mula sa kahirapan ang mamamayan.

Giit ng Obispo ito ay panawagan sa mga mananampalataya na madama ang pangangailangan ng kaniyang kapwa hindi lamang ng sarili.

“Mas maging sensitive tayo sa pangangailangan ng madami na nakapaligid sa atin. Many times ‘yung tendency natin is just to be concerned about ourselves, the concern of the family na ngayon ay hamon ay to go out ourselves, go out of our families para mas maging sensitive mas marami pa pala ang mas nangangailangan sa atin in that way ma-realize natin hindi lang pala tayo ang nahihirapan meron pa palang mas nahihirapan na dapat nating pagtulong-tulungan,’’ ayon kay Bishop Mallari.

Hinihikayat din ni Bishop Mallari ang lahat ng mananampalataya na suportahan ang Alay Kapwa Telethon ng Caritas Manila- ang social arm ng Archdiocese of Manila hindi lamang ngayong Semana Santa kundi maging sa lahat ng mga pagkakataon.

Ayon sa Obispo, malaking bagay ang anuman na ating maiiambag sa proyekto ng simbahan para sa ating kapwa.

“Makiisa tayo sa proyekto ng Caritas Manila, malaking bagay po ang maliit pero malimit na pagtutulungan natin. Huwag lang sana po ngayong Holy Week ito ay isang pagkakataon pero marami pang pagkakataon na puwedeng ibigay sa atin ng Panginoon na huwag po tayong magsawa kundi sana madama natin habang tumutulong tayo lalu pa tayong nakakadama ng kaluwagan sa buhay at hindi lamang mas magaan na pakiramdam dahil nakakatulong tayo sa kapwa,’’ ayon pa kay Bishop Mallari.

Noong 2017 Caritas Damayan Alay Kapwa Telethon nakalikom ang Caritas at Radio Veritas ng P1.8 M na siyang ginamit na pondo sa may 15,000 pamilya sa buong bansa sa pamamagitan ng emergency relief assistance sa partikular na sa mga biktima ng lindol sa Surigao, bagyong Urduja at Vinta maging ang mga biktima ng digmaan sa Marawi City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,876 total reads

 54,876 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,286 total reads

 134,286 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,731 total reads

 167,731 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,029 total reads

 203,029 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,359 total reads

 427,359 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,581 total reads

 16,581 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top