Bigyang parangal ang mga magulang at guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total views

Ipagbunyi at kilalanin ang sakripisyo ng mga magulang at mga guro sa pagtatapos ng mga estudyante.

Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari- Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCE) para sa mga magtatapos na mag-aaral ngayong taon.

Ayon sa obispo, tulad ng mga estudyante na nagsikap sa kanilang pag-aaral dapat ding bigyang tuon ang naging bahagi ng mga magulang at mga guro na kaakibat para sa unti-unting pagkamit ng kanilang tagumpay sa buhay.

“Gusto kong bigyan ng espesyal na papuri ang ating mga teachers at mga magulang sa kanila din itong graduation na natamo ng kanilang mga anak sapagkat sila ang unang-unang nagsakripisyo ng madami. Madaming mga bagay na ginawa nila ang mamatay sa sarili para mapagtapos ang mga kanilang mga anak. Ganundin ang mga teachers ang kanilang pagsasakripisyo para matuto ang mga estudyante natin,” ayon sa mensahe ng obispo.

Inihalintulad din ng Obispo ang karanasan at sakripisyo ng mga mag-aaral na magtatapos sa kasiyahan bilang isang hakbang sa pagkamit ng kanilang tagumpay sa buhay.

“Salamat dahil itong mga estudyante niyakap nila ang Krus na kanilang pag-aaral, pagpupuyat na ginawa, pagsasakripisyo din. Talagang itong graduation ay parang karanasan ng muling pagkabuhay ni Kristo…nasa panahon tayo ng holy week. Pero dito mismo sa graduation makikita natin at matatanaw kung ano ang nagiging bunga ng pagsasaripisyo natin ng may pagmamahal,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

Inaanyayahan din ng Obispo ang bawat isa na sama-sama ipagdasal ang mga mag-aaral upang makuha ang kaganapan na kanilang minimithi para na rin sa lalung ikagaganap ng plano ng Diyos para sa kanila.

Samantala, pitong daang mag-aaral na Yolanda survivor Yolanda ang nakatakdang magtapos sa kolehiyo ngayong taon sa ilalim ng scholarship ng Caritas Manila.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Secretary ng Caritas Manila ang mga estudyanteng ito ay kabilang sa 1,600 na magtatapos sa kolehiyo ngayong Marso sa ilalim Youth Servant Leadership Education Program-Educational Assistance Program (YSLEP-EAP) ng Caritas Manila.

“Ngayong Marso ang pinakamalaking batch natin na graduates 1,600 ang gumraduate ng college sa scholarship ng Caritas na YSLEP. At dun sa 1,600 na yan 700 ay Yolanda victims mula sa Leyte at Coron,” ayon kay Fr. Pascual.

Ito ayon kay Fr. Pascual ang pinakamalaking batch ng mga magsisipagtapos, at nataon din sa ika-aapat na taong anibersaryo nang pagtama ng malakas na bagyo sa bansa dahilan para ilunsad ang scholarship program sa lalawigan.

Patuloy namang hinihikayat ng pari ang publiko na patuloy na magbahagi ng kanilang tulong para suportahan ang 5,000 college scholars sa buong bansa ng Caritas na nangangailangan ng P125 M kada taon.

“But with our limited resources, ngayon nga ang adbokasiya ng simbahan ay stewardship na kung saan ay hinahamon ang mga katoliko na mas magbigay pa tayo at mag-abuloy para mapakinabangan ang ating mga programa sa mahihirap lalu na sa social services and development ministries,” ayon kay Fr. Pascual.

Dagdag pa ni Fr. Pascual, patuloy din ang paghahanap ng Caritas Manila ng mga church organization para tumulong sa mga mahihirap kung saan ngayong taon ay may 100 organizations na ang regular na tumutulong para sa scholarship, medical, sa mga matatanda, sa mga bata at may kapansanan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sinabi nitong ang pagbibigay ng kawanggawa sa kapwa ang pinaka-diwa ng misyon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,571 total views

 22,571 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,255 total views

 73,255 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,384 total views

 79,384 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 108,780 total views

 108,780 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 126,295 total views

 126,295 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top