Anti-life mentality, dapat hindi tuluyang makapasok sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 421 total reads

Hindi dapat hayaan ng mga Filiipno na tuluyang makapasok sa bansa ang “anti-life mentality” upang hindi magaya sa ibang mga bansa na tumatanda na ang kanilang populasyon.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, mahirap lamang ang Pilipinas at hindi katulad ng ibang mga bansa na kayang suportahan na makakuha ng mga dayuhang manggagawa.

“Alam mo dahan-dahan nangyayari na rin sa atin yan tumatanda na yung ating population na mayroon ng kultura lalung-lalo na sa mga lungsod natin na ayaw ng maraming anak. Kaya yung nangyayari sa ibang bansa ay mangyayari din sa atin kaya dapat tayong maging handa din tayo diyan, mabuti na lang kung mayaman yung bansa natin makakakuha tayo ng workers sa labas, yung ibang bansa ganyan pero sa atin ay hindi natin kaya yan kaya dapat i- maximize natin at hindi dapat mangyari,dapat mawala yung anti-life mentality na pumapasok sa atin.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas

Inihayag ng Obispo na hindi pa man lubusang nakakapasok ang kulturang sa Pilipinas ngunit patuloy at pursigido ang pagsusulong ng iilan dito tulad na lamang ng pagsasabatas ng RH law.

Aminado si Bishop Pabillo na malaking hamon sa Simbahang Katolika na palakasin ang programa kaugnay sa Family and Life apostolate upang hindi maisakatuparan ang population control na isinususlong ng RH law.

“May implikasyon yang RH pero nasa atin din yan, kaya nga dapat lakasan din natin yung ating family and life apostolate upang hindi pumasok yang mentality na yan na pinopromote ng batas. Sana matuto na tayo sa nangyayari sa ibang bansa, na maging wake up call na sa atin yan.”paliwanag ng Obispo

Nagbabala si Bishop Pabillo na lubos na maapektuhan ang ekonomiya at kaunlaran ng Pilipinas kapag tuluyang tumanda ang populasyon nito.

Una nang lumabas sa pag-aaral ng Estados Unidos na pagsapit ng taong 2050, posibleng magdoble ang bilang ng mga matatandang may edad 65 o may bilang na 1.6 na bilyung tao.

Nabatid na sa Pilipinas sa kasalukuyan ay mayroon pang 35.9-milyung tao ang nasa workforce o 62-percent ng kabuuang populasyon ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 11,663 total reads

 11,663 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 92,943 total reads

 92,943 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,168 total reads

 187,168 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 247,658 total reads

 247,658 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 260,988 total reads

 260,988 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 85,249 total reads

 85,249 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 62,804 total reads

 62,804 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 101,229 total reads

 101,229 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top