Isantabi ang pulitika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Isantabi ang ‘kulay ng pulitika’ at magkaisa ang sambayanan para ipagtanggol ang katotohanan at demokrasya.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) bilang tugon sa ‘liham pastoral’ ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle hinggil sa ‘Crisis of Truth’ na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

“Magnilay at magdasal, sa palagay ko magandang magsimula doon at para lang sabihin na hindi natutulog ang simbahan, nagmamatiyag at tayo ay hindi natutulog. Nakamatiyag, nagninilay at binabasa kung ano yung sign of the signs at pagdating ng kinakailangng panahon at siguro hindi pa ngayon nakahanda tayong kumilos para ipagtanggol ang kapakanan ng bayan,” ayon kay Fr. Gariguez.

Umaasa si Fr. Gariguez na magbunga ang pagdarasal at pagninilay sa higit pang pagkamulat ng simbahan at mamamayan para ipagtanggol ang kapananan ng bayan.

“Sa ngayon wala na yung kulay kulay na ‘yan dapat ay ang mahalaga ay manindigan sa kawalang katarungang nangyayari, regardless kung ano yung kulay mo huwag na yung mag babranding-branding dito ka o ganyan, basta may puso kang Pilipino nagmamalasakit sa mamayanan yun yung batayan,” paliwanag ni Fr. Gariguez.

Sa pastoral statement, bukod sa pagdarasal at pagpapatunog ng kampana hinikayat ni Cardinal Tagle sa mga pari, relihiyoso at layko na bumuo ng study group para talakayin ang mga usapin ng bansa partikular na ang usapin ng Quo Warranto, Charter Change, at Federalism.

Sa ganitong paraan ayon kay Cardinal Tagle ay magkakaroon ng sapat na pang-unawa ang publiko sa mga isyu ng bayan na makakatulong sa kanilang pag-papasya at pagsuri sa paghahanap ng katotohanan.

Giit ni Cardinal Tagle, nagkakaroon ng kalituhan ang publiko sa katotohanan dahil na rin sa magkakaibang interpretasyon ng mga eksperto sa batas partikular sa usapin ng ‘Quo Warranto’ na siyang ginamit na proseso sa pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagdulot din ng pagkakahati-hati ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 62,171 total views

 62,171 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 136,785 total views

 136,785 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 216,864 total views

 216,864 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 260,003 total views

 260,003 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 257,335 total views

 257,335 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top