Kasuhan at huwag lamang alisin sa puwesto ang mga tiwaling Opisyal ng Pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 342 total views

Kinakailangang umalma ang mga tao sa mga hindi naaangkop na paraan ng pagkilos, pananalita at maging pamamahala ng mga namumuno sa ating bansa.

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa bahagi ng bawat isa upang magkaroon ng kaayusan sa lipunan.

Ayon sa Obispo, ang pagtawa at pagpalakpak sa mga mali at hindi katanggap-tanggap na mga gawi ay nangangahulugan rin ng pakikibahagi sa mali.

“Yung mga tao kinakailangan talagang umalma hindi puwedeng sabihin ng tao minsan tatawanan, papalakpakan pa yung mali kung ganun tayo nakikiisa na tayo sa mali, we have to express our refusal to be with to join such kinds of acts…” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radyo Veritas.

Bukod dito, iginiit rin ni Bishop Bacani na kinakailangan ipanalangin ng bawat isa ang kaliwanagan ng isip at intensyon ng mga Opisyal ng Gobyerno upang makapaglingkod ng tama at tapat para sa bayan.

“Yun ang panalangin natin na yung mga namumuno satin ay talagang matauhan at talagang alam mong kinakailangan ng grasya ng Panginoon para sa ating lahat pero lalong lalo na para sa mga namumuno sa atin…” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Binigyang pansin din ni Bishop Bacani ang dapat na seryosong pagtutok ng pamahalaan sa pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal ng bayan sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso at hindi pagtatangal lamang sa puwesto na nagmimistulang gimik lang.

“Una prayer, ikalawa tututol tayo na makiisa o mag-apruba sa mga maling paraan na ginawa at ikatlo kinakailangang humanap talaga ng mga creative ways na lunasan itong mga problema at hindi tama yung pagimik-gimik, halimbawa magdi-dismiss ng mga opisyal tanung mo kinakasuhan ba yung mga opisyal na yan…” Giit pa ni Bishop Bacani.

Matatandaang ika-4 ng Oktubre noong nakalipas na taon ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order (EO) No. 43 na naglilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission na mayroong mandato na direktang mag-imbestiga sa mga opisyal partikular na sa lahat ng mga Presidential Appointees na may kaugnayan sa anumang kaso ng katiwalian at kurapsyon sa kanilang posisyon.

Gayunpaman, sa kabila ng pagkakatatag sa naturang kumisyon ay wala pang opisyal ang tuluyang nakakasuhan kahit pa ilang mga miyembro na ng Gabinete at mga Departamento ng Pamahalaan ang inalis sa katungkulan dahil sa mga alegasyon ng kurapsyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 20,229 total views

 20,229 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,342 total views

 90,342 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 164,956 total views

 164,956 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,034 total views

 245,034 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,366 total views

 287,366 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 2,325 total views

 2,325 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top