Hindi tama sa bullying ang manood lang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 979 total reads

Hindi dapat maging kaugalian ng mamamayan na manuod lamang at hindi makialam sa mga maling nagaganap sa kanyang kapaligiran.

Ito ang binigyang diin ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa usapin ng bullying kasunod ng viral na video sa Social Media na pananakit ng isang estudyante sa kanyang kapwa estudyante.

Inihayag ng Obispo na isa sa mga paraan upang maiwasan ang bullying ay ang pakikialam at pakikisangkot upang maitama o maprotektahan ang mga minamaliit, inaapi at sinasaktan ng mga bully na ginagamit ang kanilang mga kakayahan, lakas at kaalaman upang manakit ng kapwa.

Hinimok ni Bishop David ang lahat na kumilos upang maitama ang mga mali hindi lamang sa sitwasyon ng bullying kundi lalo’t higit sa sitwasyon ng bayan kung saan naaagrabyado ang mismong mamamayan.

“Hindi tama sa sitwasyon ng bullying ang manuod lang tayo, nakita din natin doon sa video na merong mga kaklase na nandoon, naging saksi sila doon sa pambu-bully na ginagawa pero tumabi lang sila, yung iba lumabas ayaw nilang makita, ayaw nilang masangkot usong-uso ngayon yan yung kawalan ng pakialam, yung trend sitter nanunuod lang na para bang wala tayong kinalaman hindi pwede yun kung halimbawa ang pambubully na ating nararanasan ay hindi lang isa o dalawang tao kundi buong bayan ang tinatamaan, ano po…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang bullying o ang pananakit, pananakot at pang-aapi sa mga mahihina at mga walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.

Nagpahayag rin ng pagkadismaya si Bishop David na makita ang isang kabataan na umaastang bully, na nagtatapang-tapangan, nagsisiga-sigaan at nananakit ng kapwa sa murang edad pa lamang.

“Parang nakapanglulumo kapag ang mga kabataan natin ay umaasta na ring parang mga Bully, parang nagtatapang-tapangan, nagsisiga-sigaan at kinakawawa yung mga kaya-kaya nila na nakikita nilang mahihina at pwede nilang i-take advantage, ang bullying ay hindi tama kahit kailan…” pahayag ni Bishop David.

Hinimok ni Bishop David ang bawat isa na huwag magpadaig sa takot sa gitna ng ano pa mang panggigipit o pang-aapi.

Nilinaw ng Obispo na ang takot ang isa sa dapat na paglabanan ng bawat isa lalo na sa usapin ng bullying o pang-aapi.

Nanindigan ni Bishop David na sa oras na manaig ang takot ay mawawalan na rin ng lakas ng loob ang sinuman na ipagtanggol ang kanyang sarili.

“Hindi tama na magpatalo sa takot, sa harap ng isang bully napakahalaga pala na panindigan natin ang tama, ang totoo at nararapat, huwag natin yung isusuko kahit kailan, ang kalaban sa bullying parati ay yung takot, kapag tayo pinamayanihan ng takot tatahimik nalang tayo, manunuod nalang tayo at parang wala lang kahit tayo’y inaabuso na…” paglilinaw ni Bishop David.

Kaugnay nito, marami ang nagalit kasunod ng pagkalat sa Social Media ng videos ng bullying incident ng isang mag-aaral ng Ateneo De Manila University.

Nanawagan naman ang Department of Education sa mga mambabatas upang pag-aralan at suriin ang batas tungkol sa bullying sa mga paaralan.

Ipinaliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones na hindi sapat ang pagpapataw ng dismisal sa paaralan tulad ng sinapit ng estudyanteng nasa viral video sapagkat hindi pa rin nito maitatama at masusulusyunan ang maling pag-uugali at asal ng batang bully.

Sinasabi sa Katesismo na isa sa pangunahing karapatan ng bawat kabataan ang makapag-aral upang maayos na mahubog ang kamalayan at malinang ang kanilang mga kaalaman na kanilang kakailanganin sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 12,967 total reads

 12,967 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 241,081 total reads

 241,081 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 134,547 total reads

 134,547 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 228,576 total reads

 228,576 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 272,279 total reads

 272,279 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top