PPCRV, accredited na para sa BOL plebiscite

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Kinumpirma ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang nakatakdang pakikibahagi at pagbabantay sa nakatakdang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law sa Mindanao.

Ayon kay PPCRV Vice Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng PPCRV para sa pagbubuo ng mga grupo ng volunteers na magbabantay at tutulong para sa voters’ education ng mga makikibahagi sa plebesito.

“We are now moving, organizing our volunteers to participate in the observation and voters’ education, poll watching of the Plebiscite in Mindanao…” pahayag ni Cardenas sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi pa ni Cardenas, opisyal nang pinahintulutan o accredited na ng Commission on Election (COMELEC) ang PPCRV upang makapagsagawa ng poll watching at pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL.

Sinabi ni Cardenas na mayorya ng mga volunteer ng PPCRV sa rehiyon ay mga Muslim mula sa iba’t ibang civil society organizations.

“Accredited na kami to do poll watching sa Mindanao Plebiscite and majority of our volunteers there are being provided by CSO’s ng mga Muslims, CSO is Civil Society Organizations ng mga Muslim…” pahayag ni Cardenas.

Tiniyak ni Cardenas na hindi na bago sa PPCRV ang pagtutulungan ng mga Kristiyano at Muslim sa Mindanao upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng halalan sa rehiyon.

Samantala, inaasahan namang aabot sa 2,000 ang volunteers ng PPCRV na makikibahagi sa pagbabantay para sa nakatakdang Plebisito sa ika-21 ng Enero at ika-6 ng Pebrero.

“Aabot siguro ng mga 2,000 volunteers magkasama yan, majority would be Muslims” dagdag pa ni Cardenas.

Sa inilabas na panuntunan o guidelines ng Commission on Elections (COMELEC), unang isasagawa ang Plebisito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa mga lungsod ng Cotabato City at Isabela City, Basilan sa ika-21 ng Enero habang ang iba namang mga teritoryo partikular na ang mga lalawigan ng Lanao del Norte at North Cotabato ay boboto naman sa ika-6 ng Pebrero.

Layunin ng PPCRV na naitatag bilang tugon sa panawagan ng mga Obispo sa isinagawang Second Plenary Council of the Philippines ang pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa kung saan kabilang ang Simbahang Katolika sa pangunahing tagapagbantay para magkaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,029 total reads

 8,029 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,188 total reads

 43,188 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 79,672 total reads

 79,672 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 97,883 total reads

 97,883 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 181,785 total reads

 181,785 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 39,168 total reads

 39,168 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top