Mananampalataya ng Palo-Leyte, hinimok na suportahan ang Walk for life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total views

Hinimok ni Archdiocese of Palo Archbishop John Du ang bawat mananampalataya sa arkidiyosesis na makibahagi sa nakatakdang simultaneous Walk for Life upang maitaguyod ang dignidad ng buhay ng bawat nilalang.

Partikular na nanawagan ng suporta ang Arsobispo sa mga mag-asawa at mga kabataan na magpakita ng pakikiisa sa Walk for Life sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagkilos para sa buhay kasabay ng iba pang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis at arkideyosesis sa bansa.

Ipinaliwanag ni Archbishop Du na mahalagang manindigan ang bawat isa sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay na biyaya ng Panginoon sa bawat isa.

“I’m inviting all the faithful of the Archdiocese of Palo especially the couples and the young people to get out in the streets tomorrow early morning to walk for life. Together lets demonstrate our love for life. A gift only God can give. Therefore it is sacred.” pahayag ni Archbishop Du sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Arsobispo na walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay maging sa mga nagkasala sa lipunan sapagkat tanging ang Diyos lamang ang dapat na magtakda kung kailan dapat na magwakas ang buhay ng bawat nilalang.

Dahil dito, ipinaalala ng Arsobispo sa bawat isa na protektahan ang buhay na ipinagkaloob ng Panginoon bilang kanyang katiwala sa pangangalaga sa sanlibutan.

“Nobody should dare to kill it even if the person is bad. God has the only right to to take it. Preserve life! Respect life and Uphold life! Our commitment to God, Amen!” Dagdag pa ni Archbishop John Du.

Nananawagan din si Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mamamayang Filipino na makiisa sa pagtitipon para itaguyod ang buhay.

Read:

Taumbayan, hinimok na manindigan para buhay

Buhay ng Tao: Biyayang dapat pangalagaan at hindi dapat gawing kalakal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,252 total views

 18,252 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 92,866 total views

 92,866 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 172,945 total views

 172,945 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,084 total views

 216,084 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,065 total views

 216,065 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top