Nasa likod ng pagpalaya sa mga convict ng heinous crimes, kailangang parusahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ang batas ang problema sa paglaya ng mga bilanggo na nakagawa ng heinous crime kungdi sa mga taong nagpapatupad nito.

Ayon kay Rev. Father Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP – Permanent Committee on Public Affairs, hindi ang batas na Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance ang problema sa kontrobersyal na pagpapalaya sa mga bilanggo sa halip ay ang mga opisyal na naatasang ipatupad ito.

Paliwanag ng Pari, naaangkop lamang na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lahat ng mga nagkasala matapos mapagdusahan ang kanilang nagawang kasalanan ngunit dapat na matiyak na ang pagpapalaya sa mga ito ay nauukol sa sinasabi ng batas.

“Ang problema ay hindi sa batas kung di sa mga taong naatasan na mag-implementa nito. Tama na bigyan ng pagkakataon ang mga nag-kasala. Maaaring sila ay nagsisi at handa na ring magbagong-buhay. Ngunit ang pagpapalaya sa kanila ay dapat ukol sa sinasabi ng batas.” pahayag ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na dapat na matukoy at mapanagot ang nasa likod ng pagpapalaya sa mga bilanggo ng hindi naayon sa batas sapagkat isang uri ito ng katiwalian at pagtataksil sa tiwala ng bayan.

Binigyang diin rin ni Fr. Secillano na isang hamon para sa kasalukuyang administrasyon na mapatunayan ang paninindigan nito sa tama at sa katotohanan kaugnay sa nasabing usabing usapin.

“Isang uri ng katiwalian na palayain ang isang bilanggo na hindi ayon sa batas. Dapat papanagutin kung sino man ang may gawa nito. Dapat patunayan ng gobyernong ito ang pagpanig sa tama at at pagiging makatwiran.” Dagdag pa ni Fr. Jerome Secillano.

Ang Republic Act (RA) 1-0-5-9-2 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng good behavior sa loob ng bilangguan.

Gayunpaman batay sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor) mula taong 2013 matapos na maisabatas ang GCTA ay umabot na sa 22,049 ang mga bilanggong napalaya sa ilalim ng nasabing batas kung saan 1,914 dito ay nakagawa ng heinous crimes na hindi saklaw ng batas.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumalabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala.

Naunang hinamon ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang taumbayan na bantayan ang proseso ng pagpapalaya sa mga nagawa ng heinous crime.

Read: Mamamayang Filipino, hinamon ng CBCP na bantayan ang mga bilanggong pinalalaya ng BuCor

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,731 total reads

 60,731 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,750 total reads

 139,750 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,195 total reads

 173,195 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,493 total reads

 208,493 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,567 total reads

 432,567 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top