Pagtanggal sa “Ninja-Cops”, inaasahan sa pagbibitiw ni PNP Chief Albayalde

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Hindi dapat magtapos ang imbestigasyon at pagpapanagot sa mga ninja cops sa pagbibitiw ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kanyang posisyon.

Ito ang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity kasunod ng pagbibitiw ni Albayalde na nauugnay sa usapin ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Iginiit ng Obispo ang patuloy na imbestigasyon sapagkat hindi lamang ito tungkol kay Albayalde kungdi sa kabuuang kredibilidad at katapatan ng mga kawani ng Philippine National Police.

Nanindigan si Bishop Pabillo na ang pagbibitiw ni Albayalde ay isang tanda na may totoong problema ng ninja cops sa bansa na nararapat matutukan at mapanagot sa batas.

“Yung pagreresign ni General Albayalde ay isang tanda na may problema talaga sa ninja cops. Sana hindi magtatapos ang investigation tungkol sa ninja cops dahil sa nag-resign siya. Dapat ipagpatuloy ang pag-iimbestiga nito kasi hindi lang naman yan tungkol kay Albayalde ngunit tungkol yan sa buong PNP (Philippine National Police) na mayroong ganito at nagpoprotektahan yung mga criminal. Sana matanggal na…” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang Obispo sa mga ninja cops o mga tiwaling pulis na nagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Bishop Pabillo, hindi katanggap-tanggap ang ginagawa ng mga ninja cops na pagkastigo sa mga mamamayan gayong sila ang tunay na may kaugnayan sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Ang nakakalungkot kasi yung mga pulis at PNP ang ginagamit na panlaban sa mga drug-addicts kuno ngunit sila din pala ang nagpapalaganap ng drug addiction kaya ito’y dapat talagang matanggal kasi napakasama nito, binibintangan yung mga tao pero sila din pala ang involve dito…” dagdag pahayag ng Obispo

Sa kanyang talumpati kasunod ng isinagawang Flag Ceremony sa Camp Crame ay personal na inanunsyo ni Albayalde ang paghahain niya ng ‘non-duty’ status o pagbakante sa kanyang tanggapan bilang hepe ng PNP tatlong linggo bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro sa ika-8 ng Nobyembre.

Magsisilbi namang pansamantalang officer-in-charge ng PNP si Lt. Gen. Archie Gamboa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,101 total reads

 47,101 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,880 total reads

 126,880 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,327 total reads

 160,327 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,625 total reads

 195,625 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,351 total reads

 420,351 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top