Double standard ng legal system, ugat ng dumaraming bilanggo sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total views

Kahirapan, kakulangan ng edukasyon at hindi patas na sistema ng batas para sa mga mahihirap.

Ito ang isang nakikitang dahilan ng National Union of People’s Lawyer kung bakit patuloy ang pagsisiksikan at paglaki ng bilang ng mga bilanggo sa mga kulungan sa bansa.

Ayon kay Atty. Josalee Deinla – Asst. Secretary-General for Education ng NUPL, dahil sa kahirapan at kakulangan sa kaalaman sa kanilang mga karapatan kung kaya’t maraming mga bilanggo ang hindi na naipaglalaban ang kanilang mga sarili mula sa mga akusasyon at kaso sa hukuman.

“Dahil narin sa kahirapan, kulang sa edukasyon hindi nila nalalaman, hindi nila batid kung ano yung mga karapatan na pwede pala nilang ipaglaban, so sa unang banda puwede rin nating sabihin na nagiging factor yan, pero kung titingnan sa balangkas sa overall na heal ng mga bagay, dahil yan sa umiiral na sistema natin yung malaking gap sa pagitan ng mahirap at mayaman at yung double standard ng legal system laban dun sa mga mahihirap at maliliit na mga mamamayan…”pahayag ni Deinla sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong ika-30 ng Hunyo naitala ang 463% na nationwide congestion rate sa mga bilangguan sa buong bansa.

Batay sa tala, nasa higit 112-libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa kung saan tanging 463 lamang ang bilanguan ng BJMP na nakalaan para sa 26-na-libong inmates.

Lumalabas na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan.

Samantala, unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 21,012 total views

 21,012 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 88,741 total views

 88,741 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 111,893 total views

 111,893 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 182,008 total views

 182,008 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 255,156 total views

 255,156 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 11,012 total views

 11,012 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top