Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,500 total reads

Kapanalig, maraming eksperto ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae sa ating bayan, habang sa buong mundo, ang trend ay pagbaba ng bilang nito.

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis na. Noong 2014, ang mga datos mula sa Philippine Statistical Authority (PSA) ay nagsabi na kada oras, 24 na sanggol ang sinisilang ng mga menor de edad. Ayon naman sa pinakahuling Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS) study, mga 14 percent ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga ina na rin.
Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ng maagang pagbubuntis ang normal na growth ng isang batang babae. Malaki rin ang dinadalang panganib nito sa kalusugan ng batang ina at ng kanyang dinadalang anak. Dahil hindi pa kumpleto ang pisikal na paglago ng mga babaeng teenagers, ang maagang pagbubuntis ay may dalang nakakamatay na komplikasyon.

Mas mataas ang risk ng buntis na teenager na makaranas ng eclampsia, na isa sa mga pangunahing dahilan ng maternal deaths. Ayon nga sa datos ng National Statistics Office, habang bumababa ang maternal deaths, tumaas naman ang teenage maternal deaths. Noong 2010, 10% ng mga buntis na teenagers ay namatay dahil sa kumplikasyon sa pagbubuntis at panganganak. 5% lamang ito noong 2005.

Kapanalig, ang breakdown o pagkasira ng pamilya kasabay ng pagtaas ng pag-gamit ng teknolohiya gaya ng cellphones at social media, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis ng maraming teenagers sa atin. Dahil sa kawalan ng koneksyon sa loob ng tahanan, naghahanap ng mas malalim na koneksyon ang maraming bata sa ibang mga lugar at tao. Ang teknolohiya ay nagpabilis ng mga artipisyal na koneksyon na ito, na naging band-aid lamang sa tunay na sugat ng mga kabataan. Nagdala pa ito sa kanila sa mas matinding problema, na hindi sapat na natututugunan ng kanilang murang isip at katawan.

Kapanalig, panahon na upang patatagin natin ang ating mga pamilya. Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng positibong aksyon. Ang ating mga kabataan ay mas bulnerable sa ngayon. Ang panganib sa kanilang buhay ay karaniwang nasa kanilang kamay na: ang mga cellphones at iba pang gadgets na siya ng pumalit sa presensya ng kanilang mga magulang sa kanilang buhay.

Ang pamilya ay batayang yunit ng ating lipunan. Nakikita natin ngayon, sa pagtaas ng bilang ng teenage pregnancies, ang epekto ng panghihina ng pamilya sa gitna ng mabilis na inog na modernisasyon. Ang Gaudium et Spes, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ay nagsabi na ang kristyanong pamilya ay bunga ng pagmamahal, at imahe ng bahaginan at pag-ibig sa pagitan ng Simbahan at ni Kristo.

Ang pamilya ay repleksyon ng presensya at pag-ibig ni Kristo sa ating mundo. Ang mga kabataang nagiging mapusok ay naghahanap ng pagmamahal dahil maraming pamilya na ang nagkukulang na nito. Kapanalig, buhayin muli natin si Kristo sa ating mga tahanan, para sa kapakanan ng ating mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,605 total reads

 10,605 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 231,223 total reads

 231,223 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,896 total reads

 265,896 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,796 total reads

 281,796 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 317,545 total reads

 317,545 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagod na pagod

 10,606 total reads

 10,606 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 231,224 total reads

 231,224 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,897 total reads

 265,897 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,797 total reads

 281,797 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »
Scroll to Top