Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani, magdudulot ng pagkakahati-hati

SHARE THE TRUTH

 429 total views

Mariing tinututulan ng dating chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang paglilibing sa mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Sr. May John Mananzan, kailanman hindi maituturing na bayani si Marcos lalo na at marami itong pinahirapan noong panahon ng Martial Law.

“I am very strong against it, dahil hindi naman siya hero, supposedly Libingan ng mga Bayani , hindi naman nakalagay diyan Libingan ng mga presidente at sundalo, bayani ang nililibing diyan, ang gumawa ng kabutihan sa Piilipinas, opposite si President Marco kasi ang dami niyang pinahirapan, tinorture, maraming namatay, tayo ay naging second to Bangladesh noon pagdating sa ekonomiya, nang bumaba si Marcos lugmok na lugmok na tayo, how will I agree,” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ng madre, upang matapos na ang usapin sa paglilibing kay Marcos, dapat na lamang ihimlay ang mga labi nito sa kanyang sinilangang bayan katabi ng puntod ng kanyang ina.

“Tapusin na natin sa pamamagitan ng paglilibing na lang sa kanya sa kanyang probinsya sa tabi ng kanyang ina, kasi kapag ipinilit na doon (Libingan ng mga Bayani) ilibing baka magkagulo pa, magkakaroon ng division ang society natin, para wala ng gulo, dun na lang siya ilibing sa kanila, in his native province,” dagdag pa ng madre.

Matatandaang 1986 nang magtungo sa Hawaii ang pamilya Marcos matapos maluklok sa puwesto si President Cory Aquino kung saan pumanaw sa Honolulu ang dating Pangulo noong September 28, 1989.

Sa darating na Setyembre, nakatakdang ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,885 total views

 88,885 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,660 total views

 96,660 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,840 total views

 104,840 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,337 total views

 120,337 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,280 total views

 124,280 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,981 total views

 89,981 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,316 total views

 86,316 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,949 total views

 32,949 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,960 total views

 32,960 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,964 total views

 32,964 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top