Taumbayan, hinimok na huwag hayaang malibing ang katotohanan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 384 total views

Nanawagan ng sama-samang paninindigan ang Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB) na siyang socio-political apostolate arm ng Society of Jesus in the Philippines kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng Status Quo Ante Order ng Korte Suprema sa nakatakdang paghihimlay sa Libingan ng mga Bayani kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa mensaheng ipinaabot ng SLB, nagpahayag ito ng pangamba sa nalalabing 13-araw at mapapaso na ang ipinataw na 20-araw na Status Quo Ante Order ng Supreme Court upang dinggin ang mga petisyong inihain ng iba’t ibang grupo laban sa paghihimlay kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“We are 13 days away from the possibility of allowing human dignity, truth, justice, solidarity, peace and genuine empowerment, to be buried along with the burial of the dictator at the Libingan ng mga Bayani…” ang bahagi ng pahayag ng Simbahang Lingkod ng Bayan.

Kaugnay nito, nanindigan ang Simbahang Lingkod ng Bayan sa pangunguna ni Rev. Fr. Patrick Dominador Falguera- Executive Director ng SLB na ang paghihimlay sa dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay maihahalintulad rin sa paglilibing sa katotohanan, katarungan, kapayapaan at dignidad ng mga mamamayan na tuwirang nilapastangan sa ilalim ng Rehimeng Marcos at ng Batas Militar na kanyang idineklara sa loob ng 14-na-taon.

“Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB), the socio-political apostolate arm of the Society of Jesus in the Philippines thus appeals to continue make a stand against the perpetuation of lies and against the injustices that have been committed to our country and the Filipino people…” panawagan ng SLB.

Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law, tinatayang aabot sa higit 3,200 ang sinasabing pinaslang, nasa 34-na-libo ang na-torture habang higit sa 70-libo naman ang ikinulong dahil sa hindi pagsang-ayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.

Bukod dito nasa higit 75-libong indibidwal rin mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

Nauna nang kinumpirma ni dating Senador Bongbong Marcos ang paglilibing sa kanyang ama sa ika-18 ng Setyembre ng kasalukuyang taon sa 103-ektaryang Libingan ng mga Bayani kung saan nakahimlay ang may 49-na-libong sundalo, war veterans at mga itinuturing na martir at bayani ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 86,860 total views

 86,860 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 86,860 total views

 86,860 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 86,860 total views

 86,860 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 84,233 total views

 84,233 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,912 total views

 76,912 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top