Pag-aarmas ng sibilyan, labag sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total views

Binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) na tanging ang Philippine National Police lamang ang institusyon ng pamahalaan na kinikilala ng Konstitusyon sa pagpapatupad ng batas sa lipunan.

Ito ang nilinaw ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia kasunod ng mga mungkahi at panukala na pagbibigay armas sa mga sibilyan bilang mga anti-crime volunteers.

Ayon kay Atty. De Guia, nasaaad sa 1987 Constitution na tanging iisa lamang ang police force na kinikilala ng Saligang Batas bilang law enforcement arm ng bansa at ito ay ang Philippine National Police.

“The 1987 Constitution clearly articulates the government shall only maintain one police force, which is national in scope and civilian in character. As such, the Philippine National Police (PNP) remains as the constitutionally-recognized law enforcement arm of the government.” pahayag ni de Guia.

Paliwanag ni Atty. De Guia sapat na ang PNP upang maipatupad ang batas sa bansa at matiyak ang kaaayusan sa pamayanan na nasasaad sa kanilang mandato bilang Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Giit ni De Guia, ang pagbibigay ng armas sa mga sibilyan ng walang sapat na pagsasanay at pag-aaral sa nilalaman ng mga batas ay maaring mauwi lamang sa mga kaso ng pang-aabuso at karahasan.

Bukod dito, pinangangambahan rin ng kumisyon na maging sanhi ito ng higit pang paglala ng sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

“We recognize that over the years the PNP has also gone through continuous development with the government matching this with ample resources to strengthen and capacitate our police force. The PNP is more than enough. Arming civilians without proper training, qualification, and clear lines of accountabilities may lead to lawlessness and proliferation of arms, which may further negatively impact the human rights situation in the country.” Dagdag pa ni Atty. De Guia.

Pagbabahagi ni Atty. De Guia, tiwala ang CHR sa kasalukuyang pamumuno at pagsusumikap ni PNP Chief Guillermo Eleazar na malinis ang hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na mayroong mandato na protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng sambayanan kasabay ng pagbibigay halaga sa karapatang pantao ng bawat isa.

“We trust that the PNP, with PNP Chief Guillermo Eleazar at the helm, will do his best in ensuring peace and order in our communities, without compromising respect for human rights.” Ayon pa kay Atty. De Guia.

Unang tiniyak ng PNP–Chaplain Service ang pagsasakatuparan ng mandato nito na gabayan ang mahigit 190,000 kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas upang maging mabuting alagad ng batas na may pagkilala sa karapatan at dignidad ng bawat isa sa ilalim ng batas ng tao at batas ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 93,932 total views

 93,932 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 124,155 total views

 124,155 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 150,804 total views

 150,804 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 245,777 total views

 245,777 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 260,662 total views

 260,662 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top