Isulong ang rebolusyon ng pagbabago hindi rebolusyon ng armas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

Hinimok ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananamplataya na palakasin ang pananampalataya upang magkaroon ng pagbabago sa sarili at lipunan.

Ito ang panawagan ni Cardinal Tagle sa thanksgiving mass sa Minor Basilica of Immaculate Conception para sa naging canonization ni Mother Teresa of Calcutta.

Pinuna ni Cardinal Tagle ang nangyayari ngayon na naiiba ang pinagmumulan ng lakas na hindi galing sa pananampalataya at pag-ibig.

Tinukoy ng Kardinal na mas inaasahan at tinatangkilik ngayon ng tao ang lakas na nanggaling sa pera, sa kapangyarihan, sa posisyon at dahas sa halip na mula sa pananampalataya.

“Mga kapatid ito po ang una nating dapat ipagdiwang ang lakas ng pananampailataya para sa sariling pagbabago at pagbabago ng lipunan. Ang mundo natin ngayon para mabago ang sarili at ang lipunan ay umaasa tayo sa lakas ng pera, lakas ng posisyon, lakas ng kapit, lakas ng dahas.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang tunay na pagbabago sa lipunan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng lakas ng pananampalataya at pag-ibig sa Diyos tulad ni St. Teresa of Calcutta na puno ng pag-ibig at pananampalataya sa Diyos na naging Santo at banal na nagpapabago sa ibang tao at sa sangkatauhan.

“Minahal tayo ni Hesus at kapag siya ay kaulayaw natin maraming mababago at maraming kaya nating baguhin sa tahimik na paraan hindi nagyayabang, hindi tumatawag ng atensiyon sa sarili, hindi naghihintay ng papuri subalit tunay ang pagbabago kapag ang pinagmumulan nito ay ang pananampalataya at pag-ibig ng panginoon.”pahayag ni Cardinal Tagle

Hinimok ng pangulo ng Caritas Internationalis ang mga mananampalataya na huwag kalilimutan at sasayangin ang pinakamalakas na regalong bigay ni Hesus sa atin na pananampalataya.

Tiniyak ni Cardinal Tagle na kung buhay ang Diyos sa atin ay mas malakas tayo at ang lakas natin hindi nagmumula sa sarili at sa ating mga magagamit kundi mangagaling kay Hesus at ang kanyang pag-ibig.

“Kung talagang nagmamahal kayang magbago, ang pag-ibig ang may puwersa para sa pagbabago. Iyan ang ginawa ni Hesus at yan ang ginagawa ng mga Santo, ipakita sa atin sinasabi nga nila the revolution of love. Hindi rebolusyon ng armas at ng dahas kundi rebolusyon ng pagbabago dulot ng pag-ibig, pakikipagkapwa tao at paggalang sa tao.” giit ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 75,673 total reads

 75,673 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 107,477 total reads

 107,477 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 209,303 total reads

 209,303 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 249,862 total reads

 249,862 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 267,248 total reads

 267,248 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 93,203 total reads

 93,203 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 70,738 total reads

 70,738 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 109,199 total reads

 109,199 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top