BIYERNES, AGOSTO 26, 2022

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

1 Corinto 1, 17-25
Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Mateo 25, 1-13

Friday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 17-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sapagkat sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo’y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa krus.

Sa mga napapahamak ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, ito’y kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino.” Ano ang kabuluhan ngayon ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na dibatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan.

Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya itinulot na siya’y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito. Sa halip, minarapat niyang ang mga nananalig sa kanya’y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral ngunit ipinalalagay naman ng sanlibutan na isang kahangalan. Ang mga Judio’y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral nami’y si Kristong ipinako sa krus – isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si Kristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala namang kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
Kayong masunuri’y magpuri sa kanya!
Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ipinapaalala ng mensahe ng Ebanghelyo na dapat tayong maging matalino at nagbabantay. Habang ating hinihintay ang pagdating ng Panginoong Jesus, ipanalangin natin ang mundong kanyang iniligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Panginoon, gawin Mo kaming tapat sa paglilingkod sa iyo.

Ang Simbahan nawa’y maunawaan ang mga tanda sa ating panahon at tuwinang mapaalalahanan ang Bayan ng Diyos tungkol sa walang hanggang dimensyon ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y manatiling umaasa at puno ng sigla sa buhay. Nawa ang kanilang matayog na adhikain ang siyang maging katig nila sa pagsasakatuparan ng mga dakilang bagay sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinanghihinaan ng loob at nabigo sa buhay nawa’y huwag palalimin ang kanilang hinanakit at bagkus kumuha ng panibagong lakas at pag-asa mula kay Kristo na nangako sa atin ng kanyang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y tumingin kay Kristo nang may pag-asa at may pagbabalik-loob na pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapiling ng Diyos sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng panahon at ng walang hanggan, ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan habang aming hinihintay ang pagbabalik ni Kristo, ang iyong biyaya ng walang hanggang karunungan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

DONATE NOW
Shadow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 12,093 total views

 12,093 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 18,249 total views

 18,249 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 22,611 total views

 22,611 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 33,203 total views

 33,203 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 41,426 total views

 41,426 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

Related Story

MARTES, MAYO 7, 2024

 325 total views

 325 total views Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 22-34 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8 Ligtas ako sa ‘yong piling, lakas ko’y sa ‘yo nanggaling. Juan 16, 5-11 Tuesday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 22-34 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong

Read More »

LUNES, MAYO 6, 2024

 672 total views

 672 total views Lunes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 11-15 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5-6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Juan 15, 26 – 16, 4a Monday of the Sixth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 11-15 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga

Read More »

LINGGO, MAYO 5, 2024

 899 total views

 899 total views Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. 1 Juan 4, 7-10 Juan 15, 9-17 Sixth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 10, 25-26. 34-35. 44-48 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Read More »

SABADO, MAYO 4, 2024

 900 total views

 900 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 16, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Juan 15, 18-21 Saturday of the Fifth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na

Read More »

BIYERNES, MAYO 3, 2024

 900 total views

 900 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Juan 14, 6-14 Feast of Saints Philip and James, Apostles (Red) UNANG PAGBASA 1 Corinto 15, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto At ngayo’y

Read More »

HUWEBES, MAYO 2, 2024

 790 total views

 790 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 15, 7-21 Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 10 Sa lahat ay pinahayag gawa ng Poong nagligtas. Juan 15, 9-11 Memorial of St. Athanasius, Bishop and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay UNANG PAGBASA

Read More »

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

 658 total views

 658 total views Paggunita kay San Jose, manggagawa Genesis 1, 26 – 2, 3 o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24 Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16 Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. Mateo 13, 54-58 Memorial of Saint Joseph the Worker (White) UNANG PAGBASA Genesis 1, 26 – 2, 3 Pagbasa mula sa aklat ng

Read More »

MARTES, ABRIL 30, 2024

 2,662 total views

 2,662 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa Mga Gawa 14, 19-28 Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao, dakilang paghahari mo. Juan 14, 27-31a Tuesday of Fifth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28

Read More »

LUNES, ABRIL 29, 2024

 2,881 total views

 2,881 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 14, 5-18 Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16 Dapat nating papurihan ang pangalan ng Maykapal. Juan 14, 21-26 Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes sa Ika-5 Linggo ng Pasko

Read More »

LINGGO, ABRIL 28, 2024

 3,156 total views

 3,156 total views Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (B) Mga Gawa 9, 26-31 Salmo 21, 26b-27. 28 at 30. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. 1 Juan 3, 18-24 Juan 15, 1-8 Fifth Sunday of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 9, 26-31 Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol Noong mga araw

Read More »

SABADO, ABRIL 27, 2024

 3,449 total views

 3,449 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas. Juan 14, 7-14 Saturday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 44-52 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Apostol Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos

Read More »

BIYERNES, ABRIL 26, 2024

 4,127 total views

 4,127 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa simula pa sumilang. Juan 14, 1-6 Friday of the Fourth Week of Easter (White) UNANG PAGBASA Mga Gawa 13, 26-33 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw

Read More »

HUWEBES, ABRIL 25, 2024

 3,794 total views

 3,794 total views Kapistahan ni San Marcos, Manunulat ng Mabuting Balita 1 Pedro 5, 5b-14 Salmo 88, 2-3. 6-7. 16-17 Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin. Marcos 16, 15-20 Feast of Saint Mark, evangelist (Red) UNANG PAGBASA 1 Pedro 5, 5b-14 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro Mga pinakamamahal, magpakababa kayong lahat

Read More »

MIYERKULES, ABRIL 24, 2024

 3,372 total views

 3,372 total views Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Fidel ng Sigmaringen, pari at martir Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8 Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao. Juan 12, 44-50 Wednesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional

Read More »

MARTES, ABRIL 23, 2024

 3,291 total views

 3,291 total views Martes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Adalberto, obispo at martir o kaya Paggunita kay San Jorge, martir Mga Gawa 11, 19-26 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Purihin ng tanang bansa ang Panginoong Dakila. Juan 10, 22-30 Tuesday of the Fourth Week of Easter (White) or Optional Memorial of St.

Read More »
Scroll to Top